I-FLEX
ni Jun Nardo
INIWAN muna ni Sparkle artist Miguel Tanfelix ang girlfriend niyang si Ysabel Ortega para sumabak bilang 7th runner ng bagong season ng Running Man Philippines Winter edition sa South Korea.
Bukod kay Ysabel, mami-miss ni Miguel ang pamilya at klima sa ‘Pinas.
Biro ni Miguel sa interview sa kanya, “Hindi ako magtitiwala sa mga kasama ko! Ha! Ha! Ha!”
Naku, bukod sa stamina, kailangan din ng utak sa challenges na sasabakan ng runners.
Magkaroon kaya ng special participation si Ysabel sa Running Man PH? Puwede…