Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Manila Int’l Marathon magbabalik sa Pebrero 24
IDENITALYE ni Manila Marathon LLC president at Race Director Dino Jose ang rota ng Manila Int'l Marathon na magaganap sa Pebrero 24 sa Luneta Grandstand. (HENRY TALAN VARGAS)

Manila Int’l Marathon magbabalik sa Pebrero 24

NAGBABALIK ang pinakamalaki at prestihiyosong marathon event – ang Manila International Marathon – sa bansa tampok ang pinakamatitikas na local at foreign runners sa Pebrero 24 sa Luneta Grandstand.

Sa pagorganisa ng dating National athlete at founding president na si Dino Jose, asahan ang mahigpitan at kompetitibong kompetisyon na mahabang panahon na ring nanahimik at nawalan ng kinang sa nakalipas na mga taon.

“Gone where the days na talagang makinang ang marathon event sa ating bansa. Noong 1982 edition, mismong ang Pangulong Ferdinand Marcos ang sumaksi sa finish line at nagbigay ng parangal sa mga top finishers,” pahayag ni Jose, produkto ng Gintong Alay noong dekada 80 na pinamumunuan ni Michael Keon.

“Matagal akong Nawala after mag-migrate sa US, but yung passion ko sa running, especially sa marathon hindi Nawala, kaya ngayong retirado na tayo focus akong ibalik yung prestige ng marathon sa bansa. Nakalulungkot kasi na for the longest time, hindi nababago ang oras ng mga local marathoner, hindi makabreak sa 2:15 hours,” sambit ni Jose sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa VIP Room ng Rizal Memorial Coliseum.

Sa kasalukuyan ang national record sa 42km marathon ay hawak ni Eduardo Buenavista (2:18.44) na naitala noong 2004 sa Beppu Oita Marathon sa Japan, habang ang women’s record na 2:43.31 ay tangan ni Mary Joy Tabal noong 2016 sa Scotiabank Ottawa Marathon sa Canada.

“Ang tanong ng marami bakit hindi mabreak ang mga record? Ang sagot ko, wala kasing kompetitibong event na nasasalihan ang ating mga runners, kaya nalilimitahan ang training at focus. Ngayon, sisimulkan uli nating paingayin ang marathon,” ayon kay Jose sa program ana itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.

Kabuuang 100 foreign marathoner mula sa Belgium, Australia, Japan, China, Amerika at France sa pangunguna ni Nasser Allali na pumangatlo sa Spain Open nitong Disyembre sa tyemping 2:17.06.

“Yung presensiya ng mga foreign athletes ay magbibigay ng malaking hamon sa ating mga atleta para matest nila kung hanggang saan na ang galing nila. Hopefully, maging daan ito para ma-inspire natin ang ating mga locals,” aniya.

Bilang pandagdag motibasyon, sinabi ni Jose na ang top Filipino marathoner ay pagkakalooban ng all-expense trip para makalahok sa Taiwan Marathon sa Nobyembre. Libre ring makalalahok ang mga miyembro ng Philippine Team sa torneo.

May kabuuang P250,000 ang naghihintay na premyo tampok ang P100,00 sa men’s division. Target ni Jose ang 2,000 participants at sa kasalukuyan may 1,200 na ang nakapagpatala para lumahok sa torneo na babagtasin ang kahabaang ng Roxas Boulevard sakop at siyudad ng Pasay at Paranaque.

Bukod sa 42Km full marathon na may may entry fee na P2,500, paglalabanan din ang 21Km half marathon (P1,700), 10KM (P1,400) at 5Km (P1,200). Kaakibat ng entry fee ang libreng singlet, running shirt at certificate.

“Yung mga member ng AFP at government employee ay mabibigyan ng 20% discount, habang yung mga Non-Government Organization ay bibigyan natin ng 50%discount,” sambit ni Jose.

Sa mga interesadong lumahok, makukuha ang registration form sa lahat ng Chris Sports branch at maaari ring magpatala via online registration sa manilainternationalmarathon website. (HATAW NEWS TEAM)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …