MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI mahulugang karayom sa dami ng taong dumalo at nakisaya sa soft opening ng newest Drag Club sa bansa, ang RAMPA sa 40 Eugenio Lopez Dr. Diliman Quezon City last January 17, 2024. Hosted by Bamba and Toni Fowder.
Kaya naman sobrang happy ang mga owner nitong sina RS Francisco. Cecille Bravo, Loui Gene Cabel, Liza Diño- Seguerra at Ice Seguerra na siyang nagdirehe ng buong show.
Pasabog ang performances ng mga Drag Queen na sina Bomba Ding, Russia Fox, Kendra, Katana, Poca, Kiari, Sofie De Luxe, Neenja at Gem. Beats by Kris Loyola.
Ilan sa nakita naming celebrities na dumalo sina Ogie Diaz, Mama Loy, RR Herrera, Sephy Francisco, Jopper Ril, Wize Estabillo, DJ Janna Chu Chu, BILIB (P-pop Group ), Klinton Start atbp..
In full support naman ang family ni Madam Cecille sa pangunguna ni Tito Pete Bravo, kasama ang mga anak na sina Jeru, Maricris, Miguel, at Matthew Bravo.
Present din ang Ka-Fam na kinabibilangan nina Raoul Barbosa, Jeffrey Dizon, Jovan Dela Cruz, Benjamin Montenegro, Ralston Segundo, Arwin Rogrigo, Jun & Jay, Wilson Ong atbp..
Sumuporta rin ang mga member ng Frontrow, Intele Builders & Development Corporations Family, PMPC, Team, at SPEEd.
Wala ang grupong The Divine Divas na sina Precious Paula Nicole, Viñas De Luxe, Brigiding na co-owners din ng RAMPA dahil may show ang mga ito sa London kaya naman nagpaabot ang mga ito ng mensahe ng pasasalamat sa pamamagitan ng video.
Kaya nanaman abangan ang bonggang-bonggang opening nito sa Feb. 10.