Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
PSSA TOPS Fernando Arimado Arnel Mindanao
TINALAKAY ni Philippine School Athletic Association (PSAA) Founder at commissioner Fernando Arimado (kaliwa) ang bagong tatag na school-based basketball league na gagabay at magbubukas ng oportunidad sa Kabataang Pinoy. Kasama si Arnel Mindanao, ang marketing director, sa kanilang pagdalo saTabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa PSC Conference Room sa Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Manila. (HENRY TALAN VARGAS)

PSAA lalarga sa Marso 3 sa Ynares Arena

BAGONG liga, bagong pag-asa sa kasanayan ng mga estudyanteng atleta.

Ibilang ang Philippine School Athletic Association (PSAA) sa school-based basketball league na gagabay at magbubukas ng oportunidad sa Kabataang Pinoy na maabot ang pangarap na makasama sa Philippine Team at makalaro sa professional league sa hinaharap.

Ayon kay PSAA founder at commissioner Fernando Arimado bukas ang liga sa lahat ng ekwelahan na nagnanais na mapataas ang kalidad ng programa sa sports at mabigyan nang pagkakataon ang kanilang mga estudyante na makalaro sa dekalidad at organisadong liga.

“Matagal na po tayong organizer sa basketball league. Yung passion natin sa sports yun ang motivation factor kaya nagpursige kaming mabuo itong PSAA. Maraming eskwelahan ang hindi makalaro sa malalaking torneo tulad ng UAAP at NCAA, kaya naman marami ring talented players ang hindi nabibigyan ng pagkakataon. Kaya dito sa PSAA, magagawa nilang ma-expose ang kanilang kakayahan,” pahayag ni Arimado sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa PSC Conference Room sa Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Manila.

“Ang PSAA po ang rehistrado sa SEC (Securities and Exchange Commission) kaya makasisiguro ang ating mga teams na legit poi ang organisasyon natin,” sambit ni Arimado sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission.

Aniya, mahigit 20 eskwelahan ang nagpahayag ng kagustuhan na maging founding member ng liga, ngunit sa kasalukuyan, tanging ang Xavier School, Marist Academy, St. Claire, Our Lady of Lourdes, La Salle-Zobel at San Beda ang halos siguradong kabilang sa liga na nakatakdang magsimula sa Marso 3.

“Mas maraming teams mas Maganda, but eight to 12 teams ang ideal participants natin para matapos natin ang liga within two to three months,” aniya.

Ang grupo ng NAMBRO ang napili ng PSAA na humawak sa technical management at officiating.

Iginiit naman ni Arnel Mindanao, ang marketing director  ng liga, na mabigat na responsibilidad ang mag-organisa ng isang torneo bunsod ng pangangailangang ng malaking kapital, manpower at aspeto sa logistics.

“Nakakatuwa lang na marami pa rin tayong mga kaibigan na tulad natin ay may passion sa sports particular sa basketball. Magandang opportunity na matulungan ang ating mga Kabataan na makapaglaro sila sa isang organisading liga, at mabigyan sila ng karampatang exposure para maipakita nila ang kanilang mga talento,” sambit ni Mindanao na kapwa varsity member ang dalawang anak sa volleyball at basketball sa La Salle.

Nakuha ni Mindanao ang Solar Sports bilang partner para sa TV coverage  ng liga, habang isa sa sponsors ang Sea Shore Resorts na matatagpuan sa Laiya, San Juan Batangas.

Aniya, bukod sa basketball, nakalinya ring isagawa ng PSAA ang volleyball, beach volleyball at iba pang sports.

Imbitado bilang panauhing pandangal sa opening ceremony sa Marso 3 sa Ynares Coliseum sa Pasig City si DILG Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos, Jr.

Nakalinya ang liga para sa hivgh school student (boys and girls) sa 18-under class, 16-under, 14-under at 12-under. (HATAW NEWS TEAM)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …