Saturday , November 16 2024
Kim Chiu Linlang

Kim aminado: mahirap makipag-kaibigan sa ex

“Tamang panahon lang ang makapagsasabi.” Ito ang tinuran ni Kim Chiu ukol sa kung handa o dapat na ba siyang makipag-kaibigan sa kanyang ex-partner.

Sinabi rin ng aktres na isa sa bida ng Linlang kasama sina Paulo Avelino, JM de Guzman, at ang Diamond Star na si Maricel Soriano na mapapanood na ang teleserye version simula January 22, 8:45 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Lie, A2Z, TV, iWantTFC, at TFC, na hindi niya mapatatawad agad ang mga taong nanloko sa kanya.

Ang hugot na ito ay base na rin sa mga karakter niya at nina Paulo at JM sa Linlang  na dumaan sa matitinding hamon ng buhay dahil sa usapin ng pagtataksil at panloloko.

“Dapat may consideratiom din na kasama sa time and acceptance para sa anak niyo kasi para hindi naman sila matrauma.

“I-set aside na ‘yung hate, kasi dadaan talaga sa ganyang proseso kasi hindi naman siya in one click mapapatawad mo at nagbati na kayo para sa anak niyo,” sabi pa ng aktres.

Nasabi rin ni Kim na handa siyang muling mainlab.

“Oo naman. Hindi man sa ngayon muna pero hopefully in the next months to come. Ay hindi years pala,” natatawang tsika nito na ang pakikipagrelasyon kay Xian Lim ay umabot ng 11 years bago rin naghiwalay.

 “It was our mutual decision to transition our relationship into what we hope to be a lifelong friendship.

“We thank all our followers for their love and support, but now we ask you to appreciate our honesty and give us the privacy we need as we begin new chapters of our lives. To all our supporters, maraming salamat for all the love and understanding,” pagkompirma noon ni Kim sa kanilang hiwalayan.

Iginiit pa ni Kim na tao lang din siya na nagmamahal at nasasaktan kaya mahirap maging friend uli ang taong nakarelasyon at nakahiwalay niya.

Samantala, abangan ang teleserye version ng Linlang na magsisimula sa January 22 sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN after Batang Quiapo

“When we presented the original script to Prime, we were asked for an hour per episode with a total of fourteen episodes. So, you can imagine roughly 60 percent of the original story hindi pa napapanood.

“While they say it’s successful in Prime, yung structure niya kasi is for one hour lang kaya hindi nila tinigilan. Now if you have a 30-minute show sa TV, iba din ‘yung experience,” sabi ng director nitong siFM Reyes

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …