Saturday , November 16 2024
Ronaldo Valdez Janno Gibbs Anjo Yllana

Debut directorial project ni Janno tribute sa amang si Ronaldo

“THIS is a great tribute for my dad.” Ito ang iginiit ni Janno Gibbs sa pelikulang pinagbibidahan niya at idinirehe, ang Itutumba Ka ng Tatay Ko kasama sina Xia Rigor, Anjo Yllana, at ang kanyang amang si Mr. Ronaldo Valdez.

“May nagsabi kasi, ‘Is it too soon to release the movie after what happened (pagkamatay ng kanyang ama)?’

“Ako I believe this is the perfect time to release the movie kasi, sorry, pero ayoko nang umiyak kaso ‘yung huling image of my dad was, it wasn’t nice. Hopefully this erases that,” pag-amin ni Janno sa media conference ng Itutumba Ka ng Tatay Ko, handog ng Viva Films at mapapanood na sa mga sinehan sa January 24.

Ayon kay Janno, ayaw niyang umiyak sa harap ng entertainment press pero hindi talaga niya mapigil ang kanyang emosyon kapag napag-uusapan ang pumanaw na ama.

Ang Itutumba Ka ng Tatay Ko ay dream directorial project ni Janno dahil dito rin natupad ang matagal na niyang pangarap na maging direktor at co-star ng tatay niya.

“He’s been living with me for almost a year so umpisa pa lang, concept pa lang, all throughout the process, ikinukuwento ko na sa kanya. Nagkukuwentuhan na kami. He’s really proud of me,” anang komedyante.

Gaganap si Janno sa pelikula bilang si Teteng. Idolo ni Teteng si FPJ. Ginagaya niya ang pagiging astig nito pero sa totoo ay duwag sa pakikipag-away. Kapag may nambu-bully sa kanyang anak, si Tintin, tinatakbuhan nila ang mga ito. Gayunman, hindi siya ikinahihiya ng anak.

Bilang single dad, kapag may problema si Teteng ay nalalabas niya ang mga problema kay Mylene (Louise delos Reyes), ang titser ni Tintin. Bigla na lang ikinagulat ng lahat nang isang araw maging ASTIG ang dating duwag na si Teteng. Bigla rin siyang nasasangkot sa mga gulo. Nakabangga pa nito ang anak ng “Big Boss” ng mga siga. Bilang pagganti, kinidnap ni Big Boss si Tintin.

Walang takot na haharapin ni Teteng ang anumang panganib para mabawi si Tintin.

Ang Itutumba Ka ng Tatay Ko ang katuparan ng matagal nang balak ni Janno na maging direktor. Una siyang naging aktor noong dekada ’80 at naging isang sikat na komedyante. 

“I think parang kulang tayo sa comedy directors ngayon kasi from my experience, lahat ng comedy directors noon na nagdi-direct sa amin nila Andrew E, wala na. Ang nagdi-direct na lang sa amin ngayon ay si Direk Al Tantay. I want to help the comedy genre para maituloy naman namin,”  ani Janno kung bakit niya ninais maging direktor. 

Ngayon, maipagmamalaki niya ang matawag na “Direk Janno” tulad ng pagmamalaki sa kanya ng amang si Ronaldo. Sa isang Instagram post noong Hunyo, naka-post ang litrato nila na magkasama sa set ng kanilang pelikula. Ang caption nito ay: Mighty Proud of My Son, Directing Me in His 1st Movie as Actor-Director.”

Sa pelikula, si Mr. Valdez si Totong, ang ama ni Teteng na naglaho nang sumanib sa sindikato. 

Inihayag pa ni Direk Janno na isang kaligayahan at pribilehiyo ang maidirehe ang kanyang ama na higit na minahal at ginalang ng lahat sa industriya ng showbiz.

Ang multi-awarded veteran actor na yumao kamakailan ay nakasama rin ni Janno sa mga pelikulang Pedro Penduko Episode 2: The Return of the Comeback noong 2000 at sa Mang Jose noong 2021. Laging buo ang kanyang suporta sa anak sa lahat ng panahon. At ngayon, makikita muli sila sa pelikula.  

Ukol naman sa iniintrigang pag-a-abroad nila. Sinabi ni Janno na napakalaking tulong ang nagawa ng pagbabakasyon ng kanilang pamilya sa ibang bansa ilang araw matapos pumanaw ang kanyang ama.

Anang actor-director matagal nang nakaplano ang holiday vacation at nagdesisyon silang ituloy pa rin ito sa kabila ng nangyaring trahedya.

“That travel, which got some bashing also, sabi ng iba parang nagsasaya agad after, but that was a scheduled trip which, noong una, one of my kids said, ‘Wag na nating ituloy dahil nangyari ito.’

“Sabi ko, ‘Hindi. The more we should go through with it. Ituloy natin because we need it para makahinga. Para makalayo sa mga tsismis and everything.’ It helped a lot.

“Family is the best comfort. Medyo sa ngayon, hanggang ngayon, hindi kami puwedeng mapag-isa so kailangan kung nasaan ‘yung isa, dadamayan, sasamahan mo.

“Hindi pa kami…wala pa kami sa stage na ‘yon. So, hindi pa kami puwedeng mag-isa. Kailangan magkakasama kami,” sambit pa ng aktor. 

Una lamang ang Itutumba Ka ng Tatay Ko  sa marami pang exciting na pelikulang handog ng Viva Films ngayong 2024. Kasama rin dito sina Robb Guinto, Ronnie Henares, Julianna Pariscova-Segovia at marami pang iba. Palabas na sa mga sinehan sa Enero 24, 2024.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …