I-FLEX
ni Jun Nardo
MAINGAT ang GMA Creatives sa bagong primetime series na Asawa Ng Asawa Ko.
Eh ang kuwento ay tungkol sa pagpapakasal ng isang lalaking may asawa dahil nawala ang una niyang asawa na inakalang patay na.
May legal provision sa batas kaugnay ng absence ng isang tao ng ilang taon. May legal provision sa batas kaugnay ng tinatawag na presumptive death.
Kaya naman sa paggawa ng script ng creative, may lawyer silang kinukonsulta para maging accurate sila sa paglalahad ng ganitong kuwento.
Kung exciting ang kuwento ng serye, mas exciting din ang bardagulan ng dalawang female leads na sina Jasmine Curtis Smith at Liezel Lopez over Rayver Cruz, huh!
Mapapanood na sa January 15 sa GMA Prime.