Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Geraldine Jennings 2

Newbie artist ng LVD manggugulat; Isla Babuyan dapat abangan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ISMARTE, maganda, sexy, matangkad, magaling kumanta. Ilan lamang ito sa nakita naming katangian kay Geraldine Jennings, bagong alaga na inilunsad ng LVD Artist Management ni Leo Domingueznoong Biyernes.

Si Geraldine ay half Irish-Bristish at half-Filipina dahil ang ama niya ay isang Northern Irish/British at ang ina niya ay isang Filipina, si Gina Jennings. Sa Pilipinas ipinanganak si Geraldine at dinala na siya sa UK noong 2009.

Isang taon siyang nag-aral ng Business Management with Music sa Marymount University sa Los Angeles, California, USA at bumalik siya ng U.K. at nag-aaral sa University of London. Dalawang taon na lang at gagradweyt ba siya sa kolehiyo.

Napag-alaman naming matagal nang magkakilala sina Leo D. at mommy ni Geraldine at noon pa kinukumbinse ng una na pag-artistahin ang anak.

Artistahin naman talaga kasi ang hitsura ni Geraldine bukod sa may talent talaga siya sa pagkanta. Nagulat nga kami na maganda ang boses nito at ang galing ding tumugtog ng gitara ha. Equestrienne at polo player at sports enthusiast din ang dalaga na marunong din namang magsalita ng Tagalog at talagang nag-aaral siya lalo’t pinasok na niya ang pag-arte.

Nakakaintindi siya ng Tagalog dahil madalas silang magbakasyon sa ‘Pinas. 

Kasabay ng paglulunsad kay Geraldine ay ang pagbabalita ukol sa pelikulang ginagawa niya kasama ang mga de-kalidad na mga aktor na sina Lotlot de Leon, Nathalie Hart, Paolo Gumabao, Dave Borneo, Samantha Da Rosa, at Jameson Blake. Ito ang Babuyan Island

Ang Isla Babuyan ay ipinrodyus ng Solid Gold Entertainment Production mula sa panulat ni Jessie Villabrille, story nina Leo Dominguez, Jessie Villabrille, at Bam Salvani, line produced ni Dennis Evangelista, at mula sa pamamahala ni Abdel Langit.

Ipinakita sa presscon ang ilang clips sa ginagawang pelikula at isa roon ang intimate scene nina Geraldine at Jameson. Kaya natanong ito ito ukol rito lalo’t first time niyang ginawa.

Pero ani Geraldine hindi naman siya ninerbiyos.

It was fine, it was natural, it was normal, I wasn’t nervous at all, it was just normal, you know. He’s a nice person and I knew him beforehand, it wasn’t like I didn’t know him, so, yeah, it was good, it was fine,” anang dalaga.

Hindi rin itinanggi ni Geraldine na naguguwapuhan siya kay Jameson nang kulitin ito ukol sa aktor. At ang gusto niya sa aktor ay ang dimples at mata nito.

Almost 50% na ang natatapos sa Isla Babuyan at masayang ibinahagi ni Geraldine na, “it was an amazing experience, it’s still ongoing, we haven’t finished it. It was challenging initially because it’s very different from studying it but everyone was so helpful, so friendly, and it was really natural to me. It was natural and felt normal and it felt great. I love it.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …

Unmarry cast

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening …