MATABIL
ni John Fontanilla
WINNER sa katatapos na 36th Aliw Awards ang baguhang singer & composer na si Jeri (Jericho Violago) bilang Best New Male Artist of the Year para sa kanyang awiting Gusto Kita na mula sa komposisyon ni Maestro Vehnee Saturno under Tarsier Records.
Ayon kay Jeri sa kanyang pagkapanalo sa 36th Aliw Awards, “Sobrang nagulat po ako nang manalo bilang Best New Male Artist sa Aliw Awards para sa song kong ‘Gusto Kita.’
“Actually hindi ko po ine-expect na mananalo ako kaya naman I’m very honored to receive itong prestigious award!
“Tuwang-tuwa po ako and glad to see na buhay na buhay ang OPM.
“Sana po continuous akong maging parte ng growing movement ng OPM scene.
“Gusto kong pasalamatan first of all si God, sa aking pamilya, ang Tarsier Records, kay Tito Vehnee Saturno, at sa aking manager na si tita Emmie Domingo,” pagtatapos ni Jeri.