Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Beauty Gonzalez Kampon Stolen Life

Beauty Gonzales kabi-kabila ang projects

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

BALIK-SHOWBIZ si Derek Ramsay matapos ang matagal na pamamahinga at tahimik na umiikot ang buhay niya kasama ang asawang si Ellen Adarna at ang anak nitong si Elias. Hindi man Tunay na anak ni Derek si Elias ay kita natin sa mga post niya kung paano niya itrato si Elias.

Sa pagbabalik-showbiz ni Derek ay isang magandang pelikula ang pagtatambalan nila ni Beauty Gonzales na isang horror film na ipalalabas sa Dec 25 bilang kalahok sa 2023 Metro Manila Film Festival. 

Alam ng nakararami na horror movies ang mas tinatangkilik ng mga manonod at malaki ang chance nitong kumita sa takilya. Ito ang Kampon na produce ng Quantum Films

Isa sa sinasaluduhan namin si Atty Joji Alonzo ng Quantum Films na sobra ang suporta sa movie industry. Walang sawa ito sa pagprodyus ng mga magagandang pelikula kahit dumanas tayo ng pandemic. Hindi siya pinanghinaan ng loob sa mga kung ano-anong pagsubok sa showbiz industry.

Sa pagbabalik ni Derek ay naikuwento niya na recently ay nakunan si Ellen haban nagbabakasyon sila sa Spain. Na-depress man si Derek ay umaasa siya na magkakaroon din sila ng baby ni Ellen.

Bongga itong si Beauty. Kabı-kabila ang projects na dumarating sa kanya. Mapa-movie or TV ay sunod-sunod ang trabaho niya. Ang napansin ko lang kay Beauty ay marunong makisama sa kapwa artista at sa production. Kaya wala kaming naririnig na negative comments about her. Bukod sa Kampon ay busy din si Beauty sa GMA TV series na Stolen Life at nagtatanong na rin siya ng season 2 ng TV show nila ni Bong Revilla.

Kaya isa ang Kampon sa aabangan ko sa darating na 2023 Metro Manila Film Festival. Kasama rin sa Parada ng mga Artista sa Dec 16.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …