Friday , November 22 2024
Derek Ramsay Ellen Adarna Kampon

Derek lutang nang makunan si Ellen; napatunayang hindi baog

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

RAMDAM namin ang lungkot ni Derek Ramsay habang ibinabahagi ang pagkalaglag ng kanilang una sanang anak ng asawang si Ellen Adarna.

Sa grand mediacon ng KamponMetro Manila Film Festival entry ng Quantum Films na mapapanood simula December 25 na pinagbibidahan nina Derek, Beauty Gonzales, Ellen Espiritu, Zeinab Harake, Nico Antonio at marami pang iba, naikuwento ni Derek na nabuntis si Ellen at nalaman nila ito habang sila’y nakabakasyon sa Spain.

Ngunit sa kasamaang-palad nakunan ang aktres kaya hindi natuloy ang kanyang pagbubuntis sa panganay sana nila ni Derek.

Ani Derek, nalaman nilang nagdadalang-tao si Ellen kaya naman tuwang-tuwa silang mag-asawa dahil matagal na nilang gustong magka-baby.

Sa excitement, agad nag-pregnancy test si Ellen nang magkaroon ito ng delay sa buwanang dalaw dahil hindi naman ito nade-delay. At tama naman ang kanilang kutob dahil nag-positive.

 “A great gift for her mom and to us and then noong pauwi, nag-i-spotting na siya…and we lost the pregnancy,” sabi ni Derek.

Kaya naman agad silang nagpunta ng ospital pagka-uwing-pagka-uwi nila ng Pilipinas.

Inamin ni Derek na lutang pa rin siya hanggang ngayon dahil sa nangyari at parang roller coaster of emotions ang kanyang nararamdaman.

Ako kasi worried ako, kasi tumatanda na ako, eh. Tapos nalaman nga naming pregnant si Ellen but then unfortunately nga we lost the baby.

“But she’s okay. Hindi niya kailangang magpa-confine, or magparaspa, whatsoever. So, hopefully next year, makabuo na uli kami,” sabi pa ni Derek.

Bagamat nangyari ang hindi inaasahan, napatunayan naman nilang pwede pa silang makabuo at hindi sila “baog.” 

“First attempt pa lang naman, so at least we know that we can still have a baby in the future. It’s sad that we lost the baby, so may possibility pa rin na makabuo,” positibong sabi ng aktor.

Inamin ni Derek nagkaroon siya ng kaunting agam-agam na baka hindi na sila makabuo dahil nagkakaedad na rin siya kaya nang malaman niyang buntis si Ellen ay talaga namang napakasaya niya.

Inihayag din ni Derek na dati ay gusto niyang magkaroon uli ng baby boy pero nang gawin niya ang pelikulang Kampon na nakasama niya ang child actress na si Erin, na gumanap na anak nila ni Beauty ay nagbago na ang hiling niya.

“Parang gusto ko na ngayon ng baby girl,” ani Derek.

Samantala, ihanda ang sarili sa isang sinematiko at makapigil hininga na Kampon, isang matagal nang inaasahang pelikula sa MMFF na bumubukas sa mga komplikasyon ng pamilya, lihim, at ng supernatural.

Ayon nga sa prodyuser nitong si Atty. Joji Alonso ng Quantum Films, ito ang horror movie na may puso.

Iikot ang istorya ng Kampon sa mag-asawang Clark at Eileen (Derek at Beauty) na umaasang magkakaroon ng anak matapos ang walong taong pagsasama. Ang kanilang buhay ay biglang nagbago nang pumasok si Jade (Erin), isang batang babae na nagsasabing anak siya ni Clark. Habang hinaharap ang nakakikilabot na pahayag na ito, umiigting ang kakaibang mga pangyayari, sinusubok ang pundasyon ng mag-asawa at iniuugma ang mga nakatagong katotohanan.

Ang Kampon ay idinirehe ni King Palisoc katulong ang buong creative team na naglaan ng 3-4 taon sa pagpapaganda ng obra. Ang pelikula ay magdadala ng isang buong pespektiba sa cinematography, sound score, at visual effect. Sa layuning muling tuklasin ang takot sa isang sariwang pananaw. 

Mapapanood na ang Kampon simula December 25 sa mga sinehan.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …