PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
HALATANG-HALATA daw ang galawang “damage control at pa-pogi” sa ginawang pagbisita ni Daniel Padilla sa isang orphanage kasama pa ang dalawa nitong kapatid.
Marami nga ang nagsasabing sakay na sakay ng mga nagpapalakad ng career ni Daniel ang mga marketing ploy o promo strategy dahil sa nangyari sa kanila ni Kathryn Bernardo, mas marami ang kumampi sa aktres.
“The mere use of Supremo to associate Daniel in that event simply shows something that’s even bigger than the intention of making those orphans and cancer-patients happy. What a scheming means to forget about the morals of his alleged acts about the break-up issue,” pahayag ng ilang netizen na may disgusto pa rin sa aktor.
Sa kabilang dako naman, marami rin ang nasiyahan at nagsabing napakagandang behavior ang ginawa ni Daniel at mga kapatid. Kung sa ganoong paraan maipakikita ni Daniel ang pagsisisi o pagtanggap sa sitwasyon nila ni Kath, tatanggapin daw ‘yun ng marami.
Kaysa nga naman magmukmok o magpaka-nega ang mga ito sa pagsagot sa mga walang kwentang usapin, mabuti na yung tumulong kaysa maging pasaway.