I-FLEX
ni Jun Nardo
MATINDI pala ang pagiging loyal Marcos ni Imelda Papin. Ipinakita ito sa pelikula niyang Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin na ipalalabas sa sinehan sa December 13.
Bilang Loyalista, grabe rin ang nangyai kay Imelda noong ma-exile na ang mga ito sa Hawaii na kanyang pinuntahan, huh.
But of course, sa nagmamahal at sumusuporta kay Imelda, maririnig ang kanyang classic songs at kung paano nagtagumpay bilang singer.
Magaling si Claudine Barretto bilang Imelda pati na ang ilang kasama sa movie gaya nina Gary Estrada, Alixe Dixson, ER Ejercito pati na ang anak ni Imelda na si Maffi.
Dinagsa ng mga loyalist ang SM Megamall na sa tatlong sinehan ipinalabas ang pelikula.