PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
AFTER six years ay naganap nga ang Fan’s Day ni idol-kumare-Star for all Seasons Ate VI para sa kanyang mga loyal and very supportive fans/friends.
Tatlong malalaking Vilma Santos fans clubs/groups ang nagsanib puwersa last Nov. 25 para ipakita nilang sila’y nagkakaisa at susuportahan ang When I Met You In Tokyo, Metro Manila Film Festival(MMFF) entry nina ate Vi at Christopher de Leon.
Nandiyan ang VSSI (Vilma Santos Solid International) sa pamumuno ng napaka-sipag na si Jojo Lim, ang VSFFI (Vilma Santos Friends Forever Intl.) nina Willy Fernandez at Ed Santiago, at ang SILVI (Silent Vilmanians) under naman kay Marcelino Santos.
Masaya ang lahat dahil talagang nakita nila ang sobra-sobrang pagmamahal at pag-aalaga sa kanila ni Ate Vi. Winner ang mga papremyo, raffle prizes, at masarap na pagkain sa tulong ng mga sponsor lalo na ang mula sa mga producer ng movie na sina Ms Redgie Magno, Rowena Jamaji, at Karishma Gidwani ng JG Productions.
Isa ako sa mga nagsilbing program host kasama ni bonggang Morly Alinio sa mahigit na 300-fans na nanggaling pa sa malalayong probinsiya gaya ng Laguna, Batangas, Rizal at iba pa.
Next issue ko na ikukuwento ang napakasayang mga ganap na nagpa-teary eyed kay Ate Vi. Nandoon sina Boyet de Leon, ate Lyn Cruz, John Gabriel, at nakigulo rin si kapatid Tirso ‘Pipo’ Cruz lll sa mga naghandog ng prod number na ka-edaran niya hahaha! Basta masaya ang kulitan!
Iba pa rin talaga ang isang Vilma. Original at walang makaka-kabog kung sa mga ganitong ganapan din lang naman.
Ang maganda pa rito, dumarami na rin ang mga bagets na fans ni ate Vi na mga millennial o gen-Z. Amazing talaga!
Dalawa nga rito ang naging co-host namin (Marina Silva at Caroline Acosta) na sobrang fan na fan din at sobrang starstruck pa kay Ate Vi everytime magsasalita.
Congratulations uli at kita-kits sa Dec. 25 sa mga sinehan for When I Met You in Tokyo.