I-FLEX
ni Jun Nardo
MATATAG ang relasyon ng GMA Network at TAPE, Inc. Ayon ito sa legal counsel ng TAPE na si Atty. Maggie G..
Patuloy kasing naiintriga ang Eat Bulaga ng TAPE dahil sa bali-balitang next year ay matatapos na ang blocktime agreement na pinirmahan ng huli.
“Very strong ang relationship ng GMA at TAPE. So I don’t think na masisira ito ng intriga dahil maganda naman ang ratings at commercial loads ng ‘Eat Bulaga,’” pahayag ni Atty. Maggie.
Sa totoo lang, tuloy-tuloy lang ang pagpapasaya at pagtulong ng Eat Bulaga sa manonood kaya walag panahon ang intriga sa programa kahit may tsismis sa dalawang hosts, huh! Ha! Ha! Ha!