SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
NAGBIDA na si Robb Guinto ng kung ilang beses sa ilang Vivamax movie pero hindi nito alintana ang sumuporta sa mga kapwa niya artista. Tulad ngayon, supporting lang ang role niya kay Micaella Raz na kasama niya sa pelikulang Araro na idinirehe ni Topel Lee at mapapanood sa Vivamax simula November 19, 2023.
“Para kasi sa akin hindi importante na maging bida o supporting. Ang akin is gusto kong ma-explore kung ano ang mga hindi ko pa nagagawa na roles. Hindi naman din kasi importante sa akin na maging bida ako o hindi,” esplika ni Robb kahapon sa isinagawang mediacon ng Ararosa Viva Cafe, Cubao, QC.
Malaking pasasalamat naman ang ibinalik ni Micaella kay Raz sa suportang ibinigay ng ‘kapatid’ niya sa Vivamax.
“Noong una kasi nagkakilala kami ni Ate Robb sa workshop, sabay kaming nag-workshop. Mas nauna talaga siyang magkaroon ng mga bida role and malalaking roles. And sobrang nakatutuwa na may mga aktor na hindi iniisip ang estado nila sa isang role kung suportado man o bida. ‘Yun ang maganda sa mga nakakasama ko sa Vivamax kasi hindi ganoon ang tingin nila while working actor,” ani Micaella.
“At hindi naman basehan ang character para masabi na magaling ka, na mahusay ka,”dagdag pa ni Robb.
“At iyong story po rito sa Araro it all started with Ate Robb kaya nabuo ang Araro at mag-e-end din sa kanya ang Araro,” giit pa ni Micaella.
Bukod kina Robb at Micaella kasama rin sa pelikula sina Vince Rillon, Ronnie Lazaro, Araz Alonzo, Dyessa Garcia, Cess Garcia, jenn Rosa, Matthew Francisco, Vern Kaye, Horace Mendoza, Vino Gonzales, at Raffy Tejada.
Ang Araro ay isang Vivamax Original Series na pinamahalaan ni Topel Lee na bibida si Vince bilang si Edgar, isang mapagmahal na anak at maalagang kapatid. Si Arah naman si Rosalia, ang love interest ni Edgar. Sina Micaella at Dyessa sina Luisa at Lyka Sanchez, at si Cess naman si Rhoda – ang tatlong babaeng gagamitin ni Edgar para sa kanyang mga plano. At si Matthew si Leon, ang lalaking paghihigantihan ni Edgar.
Mapapanood din sa series sina Robb bilang si Erlinda, at ang batikang actor na si Ronnie Lazaro bilang Sir Luis Sanchez, ang mayamang haciendero.
Ang Araro ay tungkol kay Edgar, isang simpleng tao na nagtatrabaho sa ibang bansa para sa pamilya. Laging inuuna ni Edgar kung ano ang kailangan ng kanyang ama at mga kapatid, at wala itong hindi gagawin para sa kanila. Magugulo ang simpleng buhay nila nang malagay sa peligro ang kapatid ni Edgar na si Erlinda, at buhay nito ang naging kabayaran.
Samahan si Edgar sa kanyang paghihiganti at abangan ang Araro sa Vivamax, mapapanood na simula November 19, 2023.