MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI naiwasang maiyak ng Philanthropist na si Sam Versoza nang muli nitong mapanood ang ilang eksena sa mga nakalipas niyang episode sa kanyang public service program na Dear SV na mapapanood na sa GMA 7 tuwing Sabado, 11:30 p.m. simula Nov. 18.
Sobrang naantig ang puso ni Sam sa kuwento ng bawat Filipino na ipini-feature nila, kaya mas inspired itong tumulong dahil na rin sa kalagayan ng mga kapwa Pinoy na kanyang nakikita.
Kaya naman very thankful ito sa kanyang yumaong ama dahil ito ang nagturo sa kanya para tumulong na ngayon ay isa na rin nitong adbokasiya.
At sa pagpasok ng Dear SV season 2 ay maraming kuwento ang tiyak aantig sa puso ng bawat manonood at magiging inspirasyon para katulad ni Sam ay tumulong din sa ating kapwa na kapos sa buhay.
Kaya naman simula Nov. 18 tumutok at manood na ng Dear SV sa GMA.