SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
MATATAKUTIN si Louise delos Reyes pero sobra niyang na-enjoy ang paggawa ng horror movies na Marita ng Viva Films.
Bibida si Louise sa Marita kasama si Rhen Escaño gayundin sina Ashtine Olviga,Ethan David, atYumi Garcia.
“The truth is that this is the type of project that really excites me now. Kasi before, wala akong ginawa kundi magpaiyak sa soaps.
“Personally, matatakutin ako, but I now enjoy scaring people. Masaya makitang nagsisigawan sila sa loob ng sinehan,” ani Louise sa mediacon ng Marita na idinirehe ni Roni Benaid na siya ring direktor ng matagumpay na Mary Cherry Chua.
Si Sandra si Louise sa Marita, isang teacher na naatasan sa kanilang school na buhayin ang theatre group na Sinag Diwa para sa mga estudyanteng nangangarap maging artista sa teatro. Ito ang magiging dahilan ng sunod-sunod na kababalaghan sa kanilang paaralan, na pinaniniwalaang gawa ni Marita (Rhen) ang namatay na theater actress at estudyante sa nasabing school.
“At first, ayokong maniwala sa multo but while we are rehearsing, strange things start to happen at lahat kami ay inisa-isa niyang multuhin,” ani Louise.
Thankful si Louise sa maraming projects na ibinibigay sa kanya ng Viva. Aniya, “I’m really thankful to Viva for giving me the chance to work with new and young directors, like Mikhail Red in ‘Deleter,’ Roman Perez Jr. in ‘The Housemaid,’ Derrick Cabrido in ‘Deadly Love’ and now, Direk Roni Benaid in ‘Marita.’
“I’m really glad that Viva keeps on giving breaks to new and young filmmakers. Iba-iba sila ng approach and style, but they are all very talented.”
Nang matanong kung kumusta ang pakikipagtrabaho niya kay Direk Roni, sinabi ng aktres na, “Si Direk Roni, he collaborates. Since he also wrote the screenplay, I tell him when I don’t feel comfortable with my lines and if I could reword it in a way na mas magiging effective for me to deliver them.
“Okay naman sa kanya, he’s very open minded and he really knows what he is doing in scaring the viewers.”
Mapapanood na sa November 22, 2023 ang Marita. Si Marita ay isa sa pinakamahusay na artista sa teatro na nagtatanghal sa unibersidad. Nang nagsidating ang mga mas batang estudyante na mahusay din sa pag-arte, hindi ito ikinatuwa ni Marita. Kakompetensiya ang turing niya sa kanila, at totoo namang naging matamlay ang kanyang kasikatan dahil sa kanila. Kaya sa isang pagtatanghal, tiniyak ni Marita na magmamarka ang kanyang huling pagganap. Nagpakamatay siya sa harap ng mga manonood.
Matapos ang ilang taon, gustong buhayin muli ng official theater group ng unibersidad at si Sandra ang naatasan para buuin ito. Agad siyang nagpatawag ng audition na dinaluhan ng mga freshmen at sophomore students. Muling binuksan ang Socorro Hall para sa kanilang pagtatanghal.
Napili na ang mga aktor. Sinimulan na ang mga workshop. Inihahanda na ang produksyon. Pero may pumipigil na matuloy ito.
Ang napiling bida na si Cristina ay nakaririnig ng boses habang nag-eensayo ng kanyang mga linya. Minsan ay may namataan pa siyang isang babae. Ang mga props ay nagsisiwalaan at nasisira. Sunod-sunod ang mga aksidenteng nagaganap.
Narinig na noon ni Sandra ang tungkol sa multo ni Marita pero hindi niya ito pinansin. Ngayon, kailangan na niya itong seryosohin dahil mas tumitindi ang pinsalang nangyayari. Gagawin ni Marita ang lahat para magbalik sa kanya ang atensyon ng lahat. Ngayon, hindi lang ang produksyon ang nakasalalay, kundi mga buhay.
Para kay Marita tuloy ang sumpa.