I-FLEX
ni Jun Nardo
BINIKTIMA ng hacker/poser si DJ Jhai Ho na ipinost niya sa kanyang Facebook ang convo nila.
Ang account name ay mheli24 pero naka-private ang account niya at may pitong followers.
Isa sa talak kay Jhai ng hacker, “Mamatay ka na salot na bakla.”
May kasunod pang panlalait at may KN na binanggit ito.
Sigaw ni Jhai, “Sino may contact sa NBI?”
Alamin nga namin kay Jhai sa taping tonite sa Marites University!