Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Brian Bilasano

MPD chief aksyon agad
12 OPERATIBA NG SDET DINISARMAHAN AT SINIBAK SA PUWESTO!

NALALAGAY sa alanganin ang buong unit ng  Station Drug Enforcement Unit ng MPD Barbosa Police makaraang ireklamo dahil sa sinasabing ilegal na anti drug operations o “Bangketa” kung saan dalawang indibidwal ay pinasok sa loob ng bahay sa Tundo, dinala sa tabi ng naturang presinto sa Quiapo, Maynila at hiningan ng P45K kapalit ng kalayaan.

 Agad naman umaksyon ang Hepe ng prisinto  na si PltCol Brillante Billaoac nang makarating sa kanyang kaalaman ang insidente kayat dinisarmahan at sinibak sa puwesto ang buong unit habang sumasailalim sa malalimang imbestigasyon upang mapanagot ang tunay na may sala na posibleng ikasibak rin sa serbisyo.

Ang maagap na aksyon ng hepe ay naaayon sa direktiba ni MPD Chief PCol Arnold Thomas Ibay.  Walang kinikilingan ang MPD!

Kudos!

(BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …