Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PEKENG MTPB TIKLO

“Parking doble na sa etneb-etneb”
PEKENG MTPB TIKLO!

ARESTADO sa Anti Ciminality covert operation ng mga tauhan ni Manila Police District(MPD) ang isang 31anyos lalaki na nagpanggap bilang MTPB na nangongolek-tong ng P50 parking fee sa mga motorista sa kahabaan ng Mendiola at Aguila sts San Miguel  Maynila.  

Ayon sa ulat na nakarating kay MPD Chief PCol Arnold Thomas Ibay, Ilang reklamo ang natanggap ng pulisya patungkol sa pangingikil ng parking attendant sa naturang lugar gamit pa ang tiket ng Manila Traffic Parking Bureau(MTPB) subalit mas mataas ang singil nito.

Dahil dito agad inatasan ni MPD Barbosa Police Station 14 commander PltCol Brillante Billaoac ang kanyang mga operatiba na maglabas ng covert surveillance opetation kung saan nadakip ang suspen na si Mark Jun Benedicto residente sa Carce st Quiapo Maynila.

Base kay Billaoac pinangunahan ni Mendiola PCP PCapt Rolly Magusib ang operasyon kung saan naispatan mismo na ang suspek ay nagiissue ng parking tiket sa mga motoristang pumaparada subalit ito ay sinisingil sa mas mataas na presyo. Taliwas sa dating “etneb-etneb” o sa nakatakdang presyo ng Manila City Hall na singilan sa parking.

“Team Barbosa is committed to taking necessary actions to safeguard public safety and enforce the law.” Pahayag ni Billaoac.

Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Art 177 of RPC Usurpation of Authority at Art 316 o other forms of swindling. (BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …