Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim Chiu Linlang

Kim Chiu enjoy na kinamumuhian; hiwalay na kay Xian fake news

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KUNG ang iba’y nagagalit, ine-enjoy o ikinatutuwa naman ni Kim Chiu na kamuhian o isumpa-sumpa siya ng netizens.

Ito ‘yung masasabi kong hate that I love, ‘yung hate messages that I love… Masaya talaga ako rito sa kind of hate na natatanggap ko,” paliwanag ni Kim sa thanksgiving mediacon para sa  Linlang.

Nagpapasalamat ako sa mga director ko dahil pinauulit nila sa akin kapag kumi-Kim Chiu levels ‘yung ano ko (acting). ‘O si Kim Chiu ‘yan, ulitin natin.

“So, ang tiyaga-tiyaga nila sa akin para maging si Juliana (karakter na ginagampanan ni Kim sa Linlang) ako. Kaya malaki rin ang pasasalamat ko sa writers, sa creatives, sa directors namin. Sa lahat actually ng bumubuo ng ‘Linlang.’ Kasi ito ‘yung hate na nagustuhan ko. Keep them coming. I love it,”nakangiting sabi pa ng aktres.

Nasabi rin ni Kim na siya man ay nagugulat sa ginagawa ni Juliana. At naiinis din siya at the same time.
 
Kapag pinanonood ko siya, nagugulat ako. For the longest time hindi ko naiisip na gagawin ko ito. May tamang timing pala sa lahat ng bagay. Nagpapasalamat din ako sa Dreamscape na ibinigay nila sa akin itong role na ito, nag-explore at tumaya sila sa akin as Juliana,” sabi pa ni Kim.

Ako, naiinis din ako sa kanya. Actually habang ginagawa ko siya kaya nga kalaban ko lagi ang sarili ko. Pero siyempre kailangan kong maniwala sa ginagawa ni Juliana para kapag inarte ko siya ay magagalit kayo katulad sa sarili ko as Kim Chiu naiinis din talaga ako sa kanya.” 

Samantala, itinanggi ni Kim ang ukol sa  chikang hiwalay na sila ng kanyang boyfriend na si Xian Lim.

Kayo talaga, baka nalilinlang lang kayo,” ang natatawang sabi ni Kim.

Okay na okay naman kami ni Xi,” giit niya.

Kaya maliwanag na isang malaking fake news ang naglalabasang intriga na may problema sina Kim at Xian.

Mapanlinlang ang showbiz pero maayos naman, masaya,” anang dalaga. 

Ang Linlang ay napapanood sa Prime Video at kasama rin dito sina Paulo AvelinoJM de GuzmanKaila Estrada, Ruby Ruiz, at Ms Maricel Soriano.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …