IPINAALALA ng isang kandidato sa posisyong Sangguniang Kabataan Chairman sa mga botante na kanilang protektahan ang sagradong pagboto sa pamamagitan ng pagkakaroon ng matatag na paninindigan at conscience vote.
Sinabi ni Jeanly Lin, SK bet ng Barangay San Bartolome , “panghawakan po nating mga kabataan nang mahigpit ang ating right to suffrage at dalangin ko po na maging mapayapa ang daloy ng halalan sa ating barangay at sa buong bansa.”
Mababatid na ang pangaral ng bayaning si Jose Rizal na sinabi, “Ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan,” ang naging inspirasyon ni Lin sa puspusang pagtulong sa mga kabataan.
Aniya, dapat nating hayaan ang mga kabataan na makilahok sa paglikha ng pagbabago at hamunin sila na maging tunay na pag-asa ng ating kinabukasan.
Ayon naman sa isang political analyst,isang mahalagang tungkulin ng mga kabataan ang aktibong pakikilahok sa mga decision-making arenas upang mas mahusay na mahubog ang isang mas maliwanag na kinabukasan para sa lahat.
Matuturing na ang mga katangian ng kabataan ay walang takot, matapang, mapusok, dinamiko at may tiwala sa sarili.
Ang mga kabataan ay puno ng pag-asa at sa pamamagitan ng innovation at imahinasyon, sila ay mga problem solver at may malaking potensiyak na makabuo ng positibong pagbabago sa lipunan at sa mundo. (TEDDY BRUL)