SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
ANIM sa halip na apat na pelikula lamang ang ikinonsidera o isinama ng Metro Manila Film Festival selection committee na kukompleto sa official entries ng MMFF 2023.
Pinangunahan nina MMFF Selection Committee heads Jesse Ejercito, Chair Romando Artes, Atty. Rochelle Ona ang pagpapahayag ng anim na pelikula na kalahok sa MMFF 2023. Napili ang anim base sa mga sumusunod na criteria: Artistic Excellence – 40%, Commercial Appeal – 40%, Filipino Cultural Values – 10% and Global Appeal – 10%.
Pasok sa final six na kukompleto sa 10 MMFF entries ang When I Met You In Tokyo ng JG Productions Incorporated at pinagbibidahan nina Vilma Santos at Christopher de Leon at idinirehe ni Rado Peru; Becky & Badette ng The IdeaFirst Company, Octoberian Films na nagtatampok kina Eugene Domingo at Pokwang na idinirehe ni Jun Robles Lana; Mallari ng Mentorque Productions na pinagbibidahan ni Piolo Pascual at idinirehe ni Derick Cabrido; Firefly nina Alessandra de Rossi, Euwenn Mikaell, Yayo Aguila, Cherry Pie Picache, Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Max Collins, Epy Quizon, at Dingdong Dantes na idinirehe ni Zig Dulay at mula sa GMA Pictures and GMA Public Affairs; Broken Heart’s Trip nina Christian Bables atJaclyn Jose na idinirehe ni Lex Bonife, handog ng BMC Films; at GomBurZa nina Dante Rivero, Cedric Juan, Enchong Dee, at Piolo Pascual, idinirehe ni Pepe Diokno at mula sa Jesuit Communications, Saranggola Productions.
Nauna nang inihayag ang apat na entries na pasok (na bases sa isinumiteng script) sa MMFF 2023, ito ay ang Family of Two na idinirehe ni Nuel Naval mula Cineko Productions at pinagbibidahan nina Sharon Cuneta at Alden Richards; (K)Ampon ni direk King Palisoc mula Quantum Films at pinagbibidahan nina Beauty Gonzalez at Derek Ramsay; Penduko ng Viva Films na pinagbibidahan nina Matteo Guidicelli at Cristine Reyes at idinirehe ni Jason Paul Laxamana; at ang Rewind ng Star Cinema na idinirehe ni Mae Cruz Alviar at pinagbibidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Ito ang ika-49 MMFF na ang 10 nabanggit na pelikula ay mapapanood sa mga sinehan simula December 25, 2023 hanggang January 7, 2024. Ang Parade Of Stars ay gaganapin sa CaMaNaVa at ang Gabi Ng Parangal ay sa December 27 naman magaganap.