Sunday , December 22 2024
A2Z ABS-CBN

Ilang programa ng ABS-CBN sa A2Z ‘di muna mapapanood

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI muna mapapanood sa nakasanayang oras ang ilang programang palabas tuwing primetime ng ABS-CBN na napapanood sa A2Z para bigyang daan ang pagpapalabas ng PBA games.

Anang ABS-CBN, suportado nila ang pagbabagong ito at maaapektuhan lamang sila sa tuwing may laro ng PBA. 

Sa inilabas na statement ng ABS-CBN sinabi nilang simula Nobyembre 5, 2023 hindi muna mapapanood ang ilan nilang panoorin tulad ng FPJ’s Batang Quiapo, Can’t Buy Me Love, Senior High, at The World of A Married Couple sa A2Z para bigyang daan ang pagpapalabas ng PBA games simula season 48.

Bagkus, mapapanood ang mga primetime programs sa TV5.  

Narito ang kabuuang statement ng Kapamilya.

“Simula 5 Nobyembre 2023, ilan sa ABS-CBN programs na napapanood sa A2Z tuwing Miyerkules, Biyernes, at Linggo ay magbibigay-daan sa PBA games simula season 48.

“Mapapanood naman ng A2Z viewers ang primetime programs na ‘FPJ’s Batang Quiapo,’ ‘Can’t Buy Me Love,’ ‘Senior High,’  at ‘The World of A Married Couple’  sa TV5.

“Tuwing Linggo, mapapanood din ang ‘Everybody, Sing!’  at ‘I Can See Your Voice’  sa TV5 at may delayed telecast ang mga ito sa A2Z pagkatapos ng PBA games.

“Suportado ng ABS-CBN at A2Z ang pagbabagong ito na magiging epektibo tuwing may PBA games.

“Maraming salamat, mga Kapamilya, Kapatid, at Ka-A2Z sa patuloy ninyong pagmamahal at suporta sa aming mga programa.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …