Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
GMA7 ABS-CBN

Pelikula isusunod na pagsasamahan ng ABS-CBN at GMA

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MASAYANG ibinalita ni Atty Annette Gozon-ValdesGMA executive, na hindi natatapos ang partnership nila sa ABS-CBN sa matagumpay na pagpapalabas ng Unbreak My Heart.

Sa finale media conference ng kauna-unahang TV show collaboration, inihayag ng GMA executive na may plano rin silang gumawa pa ng maraming proyekto sa Kapamilya.

Anang GMA Senior Vice President for Programming, isa sa inaasahan niyang collaboration pa ay ang paggawa ng pelikula sa ABS-CBN’s Star Cinema sa susunod na taon.

Hindi naman imposibleng mangyari ito dahil may kontrata na pala sa kanila ang Star Cinema hindi nga lang agad iyon naisagawa dahil sa pandemic.

Wala pang cast in stone but we’re hoping na mayroon pang collaborations. Sana next year. Sana may movies, makagawa na. We’ll start na makipag-usap. We’ll see,” esplika ng Ms Annette.

Noong ABS-CBN Ball nakausap ko ulit sila Kris Gazmin pati sina Carlo Katigbak, Cory Vidanes. Sabi ko, ‘gawa na tayong movie.’ Kasi gusto na rin nila eh. Siguro matutuloy na next year,” pagbabahagi pa ng executive.

At kapag natuloy na ang collab nila sa Star Cinema, gusto niyang si Barbie Forteza ang magbida kasama ng sinumang mapipiling Kapamilya actor. 

Sa kabilang banda, pinasasalamat ni Ms Annette ang ABS-CBN para sa matagumpay na pagpapalabas ng Unbreak My Heart pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Gabbi Garcia, at Joshua Garcia.

I would like to really thank our partners, of course, ABS-CBN for giving us such a beautiful show. Thank you to the stellar cast, the brilliant creatives, and the production crew behind ‘Unbreak My Heart.

“What I can say is it has been a joy and a pleasure to work with ABS. I hope that this is the first of many.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …