Mahigit 200 mga nakamamatay na sandata, mga pampasabog at iba’t-ibang uri ng baril ang nasamsam ng kapulisan sa Central Luzon sa patuloy na pagpapatupad ng gun ban kaugnay sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023 sa Oktubre 30.
Ipinhayag ni PRO3 Regional Director PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr. na mula Agosto 28, 2023 hanggang kahapon, Oktubre 15, may kabuuang 156 iba’t-ibang uri ng baril at nakamamatay na sandata kabilang ang mga pampasabog ang nakumpiska samantalang 195 indibiduwal ang arestado sa mga isinagawang police operations kabilang ang checkpoints, illegal drug operations at mga ipinatupad na pagsisilbi ng search warrants.
Hinimok din ni PBGeneral Hidalgo Jr. ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa checkpoints at inulit ang kanyang pagtiyak na ang mga police personnel ay magmamasid ng mga patakaran at pamamaraan at itataguyod ang kanilang mga batayang karapatan.
Habang nasa checkpoint, ang mga motorista ay pinaalalahanan na mag-slow down; i-dim ang kanilang headlights, buksan ang cabin lights at sumagot kaagad kapag tinatanong ng mga awtoridad.
“I have also reminded our personnel to be courteous to motorists and to adhere to general guidelines prescribed in our Revised Police Operational Procedures,” dagdag pa ng opisyal.
Ang pagdadala ng mga baril, iba pang nakamamatay na sandata at pampasabog gayundin ang pagbiyahe ng mga ito ay mahigpit na ipinagbabawal mula Agosto 28 hanggang Nobyembre 29, 2023.{Micka Bautista}