I-FLEX
ni Jun Nardo
LUMAKI palang hindi nakikita ng Abot Kamay Na Pangarap kontrabida na si Kazel Kinouchi ang kanyang ama.
Naging guest si Kazel nitong nakaraang araw sa Fast Talk With Boy Abunda.
Produkto si Kazel ng Pinoy Big Brother at sa lola kumaki.
Hindi rin daw niya nakilala ang ama at nang subukang hanapin, nalaman niya sa isang kamag-anak na pumanaw na ito.
Suwerteng maituturing ang pagkakasali ni Kazel sa AKNP ng GMA lalo na’t kasama niya sa programa ang bidang si Jillian Ward pati na ang ina nito sa series na si Carmina Villaroel.
Sa totoo lang, bagay si Kazel na maging anak ni Pinky Amador na super-taray ang character sa series.