MATABIL
ni John Fontanilla
NANIBAGO si Ynez Veneracion sa role niya sa fantasy, adventure and drama movie na Hiwaga ng PhilStagers Films. Isang aswang na kanang kamay ni Talim na isang hari ng mga aswang ang role ni Ynez. Si Yorme Isko Moreno naman si Talim.
Nasanay kasi si Ynez sa mga role na ginagawa niya tulad ng drama, kontrabida, at sexy. ‘Di daw ngayon na mayroon siyang mga fight scene na siya talaga ang gumawa. Kaya naman medyo nanibago siya. Kaya thankful ito kay direk Vince Tanada dahil ito ang nag-guide sa kanya sa buong shooting ng movie.
Intended ang pelikula sa Metro Manila Film Festival.