I-FLEX
ni Jun Nardo
KAABANG-ABANG naman ang kahihinatnan ng reklamong isinampa ng isang grupo laban sa vlogger na si Toni Fowler.
Violations ng Cyber Law ang isinampa ng Samahan ng Mga Social Media Broadcaster ng Pilipinas dahil sa umano’y malalaswang video niya sa kanyang vlog.
Handa raw lumaban si Toni ayon sa reports.
Abangers na lang tayo kung uusad ang kaso laban sa vlogger.
Noong wala pang social media, libel lang ang labanan between media personality at artists sa showbiz. Ngayon, lumawak na ang kasuhan.