Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
gun ban

 Kostumer sa karaoke bar na kargado ng baril timbog

INARESTO ng pulisya ang isang lalaki na inginuso ng residente na may sukbit na baril habang nasa isang karaoke bar sa San Ildefonso, Bulacan.

Ayon sa ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang suspek ay kinilalang si Eugene Calderon, 26 na naaresto sa Brgy. Anyatam, San Ildefonso, Bulacan. 

Napag-alamang isang concerned citizen ang nag-ulat sa  San Ildefonso Municipal Police Station {MPS} na may kostumer sa 13th Angel Karaoke Bar ang naispatan na may nakasukbit na baril.

Agad nagresponde ang mga operatiba at nakumpiska sa suspek ang isang caliber 9mm Glock 19 na may serial number CBL412, isang magazine, at 13 piraso ng bala ng caliber 9mm. 

Kasong paglabag sa RA 10591 (Illegal possession of Firearm and Ammunition) at Omnibus Election Code (Gun Ban) ang isasampa laban kay Calderon. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …