Monday , December 23 2024
shabu

Sa Magalang, Pampanga
60 GRAMO NG SHABU NAKUMPISKA

ISANG lalaki na sinasabing malaking tulak ng iligal na droga ang naaresto ng mga awtoridad sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Magalang, Pampanga.

Sa ikinasang operasyon ay nakumpiska ng mga operatiba ng Magalang MPS sa suspek na kinilala bilang si alyas Magdangal, 39, ang may 60 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may standard drug price na PhP408,000.00.

Mga kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165, na kilala rin bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang inihahanda na laban kay Magdangal sa korte. 

Ayon kay PRO3 Regional Director PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr, na ang kapulisan ng Central Luzon ay nananatiling nakatuon sa kanilang misyon na puksain ang iligal na droga sa rehiyon at tangkilikin ang panuntunan ng batas. (Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …