MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI pa rin makapaniwala ang Sparkle artist na si Michael Sager na kahit baguhan pa lang siya sa showbiz ay mabibigyan siya ng pagkakataong magbida sa bagong aabangang serye ng GMA 7, ang Shining Inheritance.
Makakasama niya sina Kate Valdez, Kyline Alcantara, Paul Salas at Ms. Coney Reyes.
Makakasama din nito Glyder Mercado, Roxie Smith, Aubrey Miles, Wendel Ramos atbp..
Grabeng paghahanda ang ginagawa ni Michael para naman magampanan ng buong husay ang role niya sa Shining Inheritance at maibalik ang pasasalamat sa GMA 7.
Bukod dito mapapanood din si Michael sa Eat Bulaga, All Stars Sunday, Unang Hirit, Abot Kamay Na Pangarap, at Sparkle University.