I-FLEX
ni Jun Nardo
HINDI panonoorin ni Sharon Cuneta ang asawang si Sen Kiko Pangilinan at mga anak niya sa concert nila ni Gabby Concepcion.
“Hindi sila manonood. Siyempre, asawa ko si Gabby noon at ayoko namang malagyan pa ng malisya ang pagsasama namin ni Gabby,” sabi ni Showie sa presscon ng concert.
Eh kumusta na sila ng anak niyang si KC Concepion?
“Nasaktan ako sa ginawa niyang unfollow. But in the end, mother pa rin niya ako. Nagkausap na kami and mas close sila ng papa niya ngayon,” sabi pa ni Sharon at iginiit na never niyang ipinagkait ang anak sa tatay niya kahit noong bata pa ito.