Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dragon Lady Amor Virata

Mag-utol na meyor may dementia o amnesia?

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

BILIB na sana ako sa kasipagan ng magkapatid na meyor sa lalawigan ng Cavite, dahil puro pampapogi ang kanilang mga programa sa kanilang lugar. Dahil magkatabi ang kanilang bayan, nagkakasundo ang magkapatid sa mga programa, pareho kasi ng inisyal “D.C.”

Pero ang hindi alam ng constituents ng mga Chabacanos, lengguwahe noong unang panahon at mga bagong sibol na mga Caviteños, na ito palang magkapatid ay may amnesia! Nakakalimot sa mga taong sobra ang naitulong! Bakit sobra?

Nagbuwis ng kanyang buhay laban sa naging kalaban sa pagka-alkalde! Sino ba ang alkaldeng ito? Nakababatang utol ng isa pang meyor!

Kaawa- awa ang karanasan ng taong tumulong na pagkatapos wasakin ang pagkatao ng kalaban sa politika ng magkapatid na meyor, hitsurang basahan na itinapon sa tinambakan na lupa sa ginagawang airport sa Sangley Point!

Ang taong binalewala ay naging mahalaga ang papel sa dalawang mag-utol na meyor.

Noong malapit na ang eleksiyon, tinatawagan, at nag-uusap nang madalas sa telepono ang nakatatandang meyor at nakababatang kapatid na tatakbong meyor din.

Ngunit nang manalo at mahalal, nawala na! Kasi panalo na! Nakalimutan na ang taong naging bahagi ng  isinagawang demolisyon laban sa kalaban sa politika.

Hindi ako magtataka kung ‘user’ ang bansag sa magkapatid. Matapos kang pakinabangan ay hindi ka na kilala! Busy? Bakit mo kailangan kalimutan ang taong minsan ay nakatulong sa inyong magkapatid? Bakit ka nagkaroon ng amnesia? Nakakatakot dahil papunta na ang sakit mo sa dementia?

Mga kababayan ko sa lalawigan ng Cavite, tandaan n’yo ito, sa bawat programa ng meyor kapalit ay salapi! Tuwang-tuwa ang lahat dahil gumaganda ang ekonomiya pero ang ‘di ninyo alam limpak-limpak na salapi ang nasa kamay ng mga meyor. Ewan ko lang kung ‘yung para kay meyor ay pumapasok sa kaban ng bayan!

Sa mga taong nakalimot sa mga tumulong, hintayin ninyo ang resulta sa inyong pagbabalewala na ginamit ninyo sa mga demolition job laban sa inyong kalaban.

Kayo palang magkapatid ang dapat idemolis! Sayang ang panahon na itinulong sa inyo ng taon! Okey lang hindi siya kumita sa inyo dahil relasyon ng pagkakaibigan ang hangad sa inyo. Pero ang ginawa n’yo ay binalewala ang taong minsan ay nagbigay ng halaga at respeto.

Si Bong Go lang ang kilala ko na tunay na nagseserbisyo na may apelyidong Intsik, e kayo ano kayo? User? O sa Tagalog ay ‘manggagamit!’

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …