MATABIL
ni John Fontanilla
SINALUDUHAN ng netizens si Nadine Lustre na ‘di lang mahusay na aktres, kundi mabait at may puso sa mga hayop.
Nakarating kasi sa kaalaman ng netizens ang ginawang pagsagip ni Nadine sa limang tuta na planong itapon sa ilog ng may-ari na posibleng ikasawi ng limang kaawa-awang tuta.
Sa Instagram post ng aktres, sinabi nito na napag-alaman niya na balak itapon ng may-ari ang mga tuta dahil sobrang dami na ang inaalagaang aso ng huli.
Kinuha ni Nadine ang mga tuta dahil hindi nito lubos maisip na may mga tutang maaaring mapahamak at mamatay.
“I couldn’t stand thinking they might die.”
Nasa pangangalaga ngayon ni Nadine ang mga tuta, habang naghahanap ito ng mga taong gustong umampon sa mga ito.