SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
NAKAIINTRIGA naman na pinaaabangan ni Yassi Pressman kung may intimate scenes sila ni Ruru Madrid sa kanilang pelikulang Video City ng Viva Films na mapapanood na sa September 20.
Eh sa nasilip namin sa trailer talagang kikiligin ka sa titigan pa lamang ng dalawa at hindi naman maitatanggi na may kemistri ang dalawa at bagay. Lalo’t inamin ni Ruru na naging crush niya noon si Yassi.
Dagdag pa na nagpupurihan kapwa ang dalawa. Ani Yassi, may pagkakataon na sobra siyang pagod at si Ruru ang nagbibigay sa kanya ng encouragement na ituloy lang ang kanilang trabaho.
“Mayroong time na medyo pagod na rin kami, galing kami sa iba pang mga trabaho, noong isinu-shoot namin itong movie, mahaba po ‘yung lines madalas, kaya kailangan snappy ka. Hindi ka pwedeng inaantok o pagod. Pero andyan si Ruru na nagpapagaan ng araw.
“Sabi niya, ‘Kaya mo ‘yan.’ Hindi ‘yung ‘Ako rin, eh, pagod din ako.’
“So, ‘yung feeling ko with that partnership, siyempre, hindi kayo laging nasa taas all the time na kayang-kaya niyo, pero ‘yung suportahan na hindi ka niya hahayaang bumagsak, ‘yun po ‘yung pinaka-na-appreciate ko rin kay Ruru,” kuwento ni Yassi.
Ipakikita ng pelikulang Video City na idinirehe ni Raynier F. Brizuela ang kuwento ng isang film student na magta-time travel sa dekada 90 na makikilala niya si Ningning, ang babaeng magpapabago ng kanyang buhay.
Hindi na makapaghintay si Han na maging isang tunay na direktor tulad ng kanyang ina na laging pinararangalan para sa kanyang iconic na pelikula. Pero bago ang lahat, kailangan matapos ni Han ang kanyang thesis na hirap siyang gawin sa kasalukuyan. Marahil malaking epekto sa kanya ang pagiging bedridden ng kanyang ina.
Matapos ang isa na namang tribute event para sa kanyang ina, pumasok si Han sa isang lumang internet café. Nakakita siya rito ng isang VHS tape rewinder na siya naman niyang pinaglaruan. Makalipas ang ilang sandali, nag-iba ang kanyang paligid at nakita niya ang sarili sa taong 1995. Ang pinasukan niyang café ay isa ng Video City.
Ang video attendant na si Ningning ang umasikaso sa kanya, at nabighani siya agad sa personalidad nito. Sa pagbabalik niya sa kanyang panahon, nagdesisyon si Han na hindi ititigil ang pagta-time travel para mas makilala pa si Ningning na isa ring movie lover. Sa katunayan, pangarap nitong maging artista pero hindi nakakapasa sa mga audition.
Habang mas nakakasama ni Han si Ningning, lalo siyang nai-inlove sa kanya. Pero sa bawat araw na bumabalik si Han sa nakaraan, paikli nang paikli ang oras niya na manatili rito. Kaya naman gusto ni Han na malaman kung saan niya matatagpuan si Ningning sa kasalukuyang panahon.
Ang Video City na idinirehe ni Raynier, na siya ring nagdirehe ng Mang Jose at ng seryeng Puto. Ayon kay Direk Raynier, ang konsepto ng pelikulang ito ay mula sa sarili niyang karanasan. w.
A niya, “Laking Video City talaga ako…Medyo crush ko si “Ate”. Eventually noong high school na ako, narealize ko na kaya ako na in-love sa pelikula, isa siya sa factor. Sabi ko, what if mag-time travel ako at balikan ko si “Ate”. Roon nagsimula ang idea ng ‘Video City.’ What if ma-meet ko ulit itong tao na naka-connect ko before, ang taong nag-inspire sa akin na gumawa ng pelikula?”