Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Francine Diaz Seth Fedelin FranSeth

FRANSETH SA KANILANG SOCMED — Tao lang kami nagkakamali, ‘di perpekto

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NO to negativity. Ito ang halos kapwa layunin nina Seth Fedelin at Francine Diaz sa mga ipino-post nila sa social media. Kaya naman talagang ingat na ingat sila at hindi lahat ay ipino-post sa socmed.

Mga social media influencer ang ginagampanan ng FranSeth sa kanilang bagong serye, na pagkatapos ng tagumpay ng serye nilang Dirty Linen, isa na namang pasabog sa kuwentong nababalot ng misteryo ang pagbibidahan nila, ang Fractured, pinakabagong iWantTFC original series.

At dahil mga vlogger natanong ang mga ito kung sila ba ‘yung tipong lahat ay inilalagay sa kanilang socmed.

Sagot ni Francine, “There’s so much negativity na sa surroundings natin. Gusto ko lang maging parte ng mga taong gustong magbigay ng liwanag, to help them sa self love with friends, sa family, sa lahat. 

“Ako rin naman hindi ako perfect, pinipili ko rin lang ang mga isine-share ko sa social media kasi feeling ko ang mga ganoong usapin pinipili na lang rather na i-involve pa ang mga tao sa labas. So, kaya po ang madalas na nakikita sa social media ko positive lang, gusto kong i share iyon sa mga nagpa-follow sa akin,” paliwanag ng dalaga.

Kumbaga ang goal ko is to inspire,” sabi pa ni Francine.

Para naman kay Seth, “ano ba ang market natin?  Sino ba ‘yung gusto nating i-influence. Unang-una may mga bagay na ginagawa ang mga bata, mga bagay na ginagawa ng mga matatanda na hindi dapat nakikita ng mga bata. 

“Bilang influencer sometimes ang ipinakikita ko ‘yung magaganda lang. Pero tao lang ako mayroon akong kapintasan, mayroon akong pagkakamali. At iyon hindi ko pwedeng ipakita dahil alam kong maiimpluwensiyahan ko iyong mga kabataan na makaaapekto sa kanila. May mga responsibilidad kaming hawak,” giit pa ng batang aktor.

Isang mystery-thriller series ang Fractured na tampok din sina Kaori Oinuma, Jeremiah Lisbo, Daniela Stranner, Raven Rigor, at Sean Tristan at mapapanood na ng libre simula Setyembre 15 (Biyernes) sa iWantTFC app o website at sa YouTube channel ng iWantTFC. May bagong episode na ipalalabas kada Biyernes ng 8:00 p.m.. 

Iikot ang kuwento ng Fractured sa pitong social media influencers na inimbitahan sa isang mala-paradise na island resort na Bella Vista. Sa kabila ng kanilang online fame, mayroon din silang mga itinatagong bubog dahil sa kani-kanilang mga masasakit at nakakaawang nakaraan.

Habang nagbabakasyon sila sa resort, gagamitin din nila ito bilang pagkakataon na gumawa ng online content para maging viral at trending. Sa pagsasama-sama nila, may posibilidad din na magkaroon ng mga isyu dahil sa pag-ibig. 

Mayayanig ang kanilang masayang bakasyon nang patayin ang isa sa mga kasama nilang influencer. Dahil sa sunod-sunod na trahedya, mapipilitan silang magtulungan para lamang mabuhay, kahit wala silang idea kung sino sa grupo ang nagpapanggap lang at totoong mamamatay-tao pala. 

Mapapanood din sa Fractured sina Jennica Garcia, Mylene Dizon, Kim Rodriguez, KaladKaren, Majoy Apostol, at Vaughn Piczon, sa ilalim ng direksiyon ni Thop Nazareno.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …

Unmarry cast

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening …