Wednesday , February 19 2025
Krissha Viaje Jerome Ponce Marco Gallo Heaven Peralejo

Tagumpay ng The Rain In Espana nina Marco at Heaven matapatan kaya ng Safe Skies, Archer nina Jerome at Krissha?

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

AMINADO si Krissha Viaje na napakalaking pressure sa kanya ang pagbibida sa pagpapatuloy ng kuwento ng University Series, ang Safe Skies, Archer katambal si Jerome Ponce.

Malaking tagumpay ang unang University Series, ang The Rain in Espana na pinagbidahan nina Marco Gallo at Heaven Peralejo kaya hindi maiaalis na ikompara ang Safe Skies, Archer nina Krissha at Jerome.

Pero tiwala naman kapwa sina Krissha at Jerome ba mapagtatagumpayan nila ang bagong kuwento sa serye na handog ng Viva One Original dahil nakasuporta rin ang mga dating kasama sa The Rain in Espana tulad nina Bea Binene, Aubrey Caraan, Gab Lagman, Nicole Omillo, Andre Yllana, at Frost Sandoval. Idagdag ang mga bagong karakter nina Jairus Aquino at Hyacinth Callado.

Ang Safe Skies, Archer ay ididirehe ni Gino Santos na nakilala sa kanyang mga hit movies na Ex With Benefits at Love Me Tomorrow, at ang kakatapos lang na youth series na Teen Clash.

Patutunayan ng Safe Skies, Archer nabuhay na buhay pa rin ang University Series fever! Kasama ang TRIEKADA, na tinatawag ngayong UNIVERKADA.

At ngayon, ang love story naman ni Yanna (Krissha) ang mapapanood natin sa second book ng University Series na isinulat ni Gwy Saludes na mayroon nang mahigit 600 million reads sa Wattpad.

May tatlo ring bagong characters na ipakikilala sa Safe Skies, Archer na matagal nang inaabangan ng lahat ng fans. Ang hunk actor na si Jerome ang gaganap na Hiro, ang dashing young pilot at mechanical engineering student na magkakaroon ng no strings attached relationship with Yanna. Ang promising young actor na si Jairus na gaganap bilang Shan, ang best friend ni Hiro at romantic charmer na paiibigin si Kierra (Nicole). Ang talented singer-actress at newcomer na si Hyacinth ay gaganap naman bilang Elyse, ang half-sister ni Shan na may crush kay Hiro, pero ang hindi niya alam ay si Sevi (Gab) pala ang nakatadhana para sa kanya.

Mula sa kuwento nina Luna at Kalix sa The Rain in España, love story naman nina Yanna at Hiro ang susunod na aabangan. Si Yanna, isang tourism student ay kilalang wild, bold, adventurous at non-committal pagdating sa pag-ibig. Pero mababago ang buhay (at sex life) niya nang makilala si Hiro. Ang no-label relationship nila na una nilang pinagkasunduan ang siya ring magbibigay sa kanya ng problema. Unti-unti siyang mahuhulog kay Hiro kahit na alam niyang hindi magtatagal ang kanilang relasyon. After five years, muli silang magkikita, matured at mga professional na, at mari-realize rin nila na hindi pa sila nakaka-move on sa isa’t isa. May chance na kaya ngayon na magkaroon na ng label ang kanilang relasyon?

Mapapakinggan din sa series ang new set of soundtracks na magdaragdag ng kilig at hugot sa Safe Skies, Archer na mula sa music genius at founder ng OC Records na si Kean Cipriano. Ang KISAME ni Rhodessa na mayroon ng 24 Million streams sa Spotify at ang kantang ISIP ng Healy After Dark na puno ng dreamy vibe naman ang magiging official soundtracks ng series.

Kay sa October, ibang level ng pag-ibig ang hatid ng love story nina Yanna at Hiro. Pero bago ‘yan, may exclusive sneak peek muna para sa preparations ng exciting series na ‘to! Ang one-hour docu-special na READY FOR TAKEOFF: THE ROAD TO ‘SAFE SKIES, ARCHER’ na mapapanood sa September 6, streaming exclusively sa Viva One.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

021525 Hataw Frontpage

‘Socialite’ sinupalpal ng gag order ng Makati Court

HATAW News Team INISYUHAN ng Makati Regional Trial Court Branch 144 ng gag order si …

Luis Manzano Barako Fest Batangas Vilma Santos

Luis nawala 4 na endorsement sa pagtakbong vice governor sa Batangas; Paglulunsad ng Barako Fest 2025 matagumpay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INAMIN ni Luis Manzano na marami sa kanyang endorsement nawala o hindi …

Zanjoe Marudo Ria Atayde Baby Sabino Sylvia Sanchez

Sylvia muling nag-request ng apo kina Ria at Zanjoe; Sabino kukunin ‘pag naglalakad na

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI ikinaila ni Sylvia Sanchez na gusto pa muli niya ng apo. …

FAMAS Short Film Festival

FAMAS Short Film Festival 2025, inilunsad

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INANUNSIYO ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) ang paglulunsad ng FAMAS Short Film Festival 2025.Ang Pangulo ng FAMAS na si Francia Conrado, sa pakikipagtulungan kay Direk Gabby Ramos ng REMS Entertainment ay binuo ang nasabing short film festival.“This inaugural festival aims to celebrate Filipino filmmakers’ creativity and storytelling, offering a distinguished platform for short-form films,” pahayag ni Ms. Francia.Ikinararangal naman ni Director Gabby, ang festival director ng 1st FAMAS Short Film Festival 2025, ang bagong endeavor na ito, na siya mismo ay past winner ng Best Short Film sa FAMAS 2024 para sa “Huling Sayaw Ni Erlinda”.Ineengganyo rin ni Direk Gabby ang diversity and innovation at iniimbita ang “finished short film entries” sa iba’t ibang kategorya na nagha-highlight ng compelling narratives, artistic expression, at may socially relevant na tema.“Ma’am Francia always dreams of awarding short films, just like what they do in the main event of FAMAS over decades. Like her, I personally believe that short filmmakers will be the next generation of filmmakers of Philippine Cinema. Likewise, that is also our vision in Rems Entertainment, especially after we opened our VS Cinema in Quezon City.“That’s the reason why we proposed to produce this event,” wika pa ni Direk Gabby.Sa ngayon ay nasa100 na ang natanggap nilang entries at inaasahang mas darami pa after ng kanilang announcement.Ayon pa kay Direk Gabby, magkakaroon ng scheduled screening ang lahat ng finalists. “May VS Cinema (located on the 8th floor of the Victoria Sports Tower in Quezon City) po tayo na puwedeng ipalabas ang mga finalists. Pero may mga kinakausap na rin kami,” sabi pa niya.Kasalukuyang ongoing ang submission ng entries, na ang deadline ay sa  March 25, 2025. Tapos ng cinema screenings mula May 5 to 9, magaganap ang kaabang-abang na Awards Night sa May 10.INFORMATION, REQUIREMENTS, and MECHANICS HOW TO SUBMIT: A. Categories include:1.Short Film: Fictional or non-fictional stories that evoke emotions or explore artistic ideas.2.Student Film: Films submitted and endorsed by educational institutions.3.Regional Film: Works produced outside Metro Manila, showcasing unique regional cultures and languages.4.Advocacy Film: Projects raising awareness on particular issues and encouraging viewer engagement.5.Documentary: Fact-based films addressing real-life events and social issues.Submission Deadline — March 25, 2025HOW TO SUBMIT: 1. Access the digital submission form via this link- https://forms.gle/dnH5Y53U3jaxWqWB82.Complete the required details.3.Pay the screener fee:    – P 2,500 (regular) or P 2,000 (students)4.Upload proof of payment.5.Submit your entry!For inquiries, contact:  Email- famas.shortfilm@gmail.com  Facebook — FAMAS Short Film FestivalELIGIBILITY REQUIREMENTS: 1.  Film must be under 20 minutes (including credits). 2. Must be in the original language with English subtitles. 3.  The director must be a Filipino citizen. 4.  Production must occur in the Philippines (co-productions accepted). 5.  Film must not have been previously submitted to FAMAS. 6.  Student Films require educational endorsement. 7. Regional Films should depict local stories. 8. Advocacy and Documentary Films must address societal issues.AWARDS CATEGORIES: – Best Short Film  – Best Director  – Best Cinematography  – Best Screenplay  – Best Editing  – Best Music & Sound Design  – Best Actor  – Best Actress  Other Awards – Best Documentary  – Best Student Film  – Best Regional Film  – Best Advocacy FilmIMPORTANT DATES: Announcement of official Selections — First Week of April 2025Cinema Screenings — May 3 – 9, 2025Awards Night — May 10, 2025PRIZES and OPPORTUNITIES: Winners will receive the iconic FAMAS Trophies.

Ryza Cenon Lilim

Ryza nagpakalbo para sa Lilim: Hindi na nga ako sanay na may buhok

RATED Rni Rommel Gonzales PAGPASOK pa lamang ni Ryza Cenon sa Viva Café sa Cubao ay lumapit …