Monday , December 23 2024
Sa Angeles City 2 TULAK ARESTADO MAHIGIT PHP374K NG SHABU NAKUMPISKA

Sa Angeles City
2 TULAK ARESTADO MAHIGIT PHP374K NG SHABU NAKUMPISKA

Sa isa pang makabuluhang anti-illegal drug operation na isinagawa sa Angeles City, Pampanga kamakalawa, ang mga awtoridad ay nadakip ang dalawang high value individuals (HVI) at nakakumnpiska ng shabu na halagang  Php374,000.

Ayon sa ulat na isinumite ng Angeles City Police Office (CPO) kay PRO3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr, ang mga arestadong indibiduwal ay kinilalang sina Loyd Cyrel Antonio at Anthony Samia, kapuwa residente ng Brgy. Pampang, Angeles City at nasa kategorya bilang  high value individuals.

Ang kanilang mga kasabuwat, na nakatakas, ay kinilala ng mga awtoridad na si  Jefferson Salas, o kilala sa alyas nitong”Boss.”

Sa isinagawang operasyon ay nakumpiska ng mga awtoridad sa mga suspek ang maraming items, kabilang ang Php1,000 bill marked money na ebidensiya, siyam na Php1,000 boodle money, isang pulang Honda motorcycle na may sidecar, pink pouch, at kabuuang tatlong selyadong pakete ng plastic na naglalaman ng shabu, tinatayang may timbang na 55 gramo, at street value na Php374,000.00.

Patuloy ang masigasig na paghahanap upang maaresto si Jefferson Salas, alyas “Boss,” bilang bahagi ng kilang follow-up operation.

Samantala, ang mga awtoridad ay inihahanda na ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban kina Loyd Cyrel Antonio at Anthony Samia sa paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act), na inihahanda na para ihain sa korte. {Micka Bautista}

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …