Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dead body, feet

Gulo sa resto bar, isa patay isa sugatan

Patay ang isang lalaki samantalang nagtamo ng pinsala sa katawan ang kasama nitong dayuhan matapos atakihin ng grupo ng mga kalalakihang kostumer sa isang resto bar sa Marilao, Bulacan kamakalawa.

Sa ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang insidente ay naganap sa isang resto bar sa Brgy. Ibayo, Marilao, Bulacan na nagresulta sa pagkamatay ni Arnel Araneta na residente ng Bancal, Meycauayan City, Bulacan.

Sa nabanggit na insidente ay nagtamo naman ng pinsala sa katawan ang kasama ng biktima na si Yongsheng Guo, na mula Fujin, China at residente ng Greenhills East City, Mandaluyong City.

Napag-alamang matapos mag-inuman ang dalawang biktima sa resto bar ay bigla na lamang silang kinursunada at inatake  ng mga suspek na pawang mga lasing.

Ang mga suspek na kaagad naaresto ng mga nagrespondeng tauhan ng Marilao MPS ay kinilalang sina Joshua Dilao, Daryl Jacob De Leon at Allen Nicolas Gepila.

Si Araneta na naisugod pa sa ospital ay idineklarang patay ng attending physician samantalang ang mga arestadong suspek na nasa custodial facility ng Marilao MPS ay nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso sa hukuman.{Micka Bautista}

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …