I-FLEX
ni Jun Nardo
FOURSOME sina Andrea Brilliantes, Kyle Echarri, Donny Pangilinan, at Belle Mariano na nakuhanan ng kamera habang nanonood ng isang laro sa kasalukuyang FIBA World Cup.
Ayon sa reports, natutuwa si Andrea na muling nabuo ang loveteam nila ni Kyle. Eh single na naman daw si Andrea kaya puwede na uli siyang magkarelasyon, huh.
Ang Don-Belle loveteam naman ay chill lang kahit na nga inaakusahan si Belle sa hindi pagtulong sa ginawang movie na Huling Sayaw with former child star Bugoy Carino.