Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bugoy Carino Belle Mariano Huling Sayaw 2

Sobrang nanghihinayang, maraming projects ang nawala — Bugoy

MA at PA
ni Rommel Placente

SI Bugoy Carino ang pangunahing bida sa pelikulang Huling Sayaw mula sa Camerrol Entertainment Productions at sa panulat at direksiyon ni Errol Ropero. Kapareha niya rito si Belle Mariano

Gumaganap sa nasabing pelikula si Bugoy bilang si Danilo na nangangarap maging isang sikat na dancer pero hindi ‘yun nangyari. Instead, naging matagumpay siyang businessman.

Sina Bugoy at Belle ay unang nagkatrabaho sa Goin’ Bulilit noong sila ay mga child star pa lamang.

Dahil Huling Sayaw ang title ng pelikula ni Bugoy, tinanong namin siya na kung sakaling mamamaalam na siya sa mundo, sino ang gusto niyang huling maisayaw? 

Ang sagot niya, “Gusto ko, huling sayaw ko ‘yung anak (Scarlet) ko. Kasi, magiging memorable siya sa akin. Dadalhin ko siya hanggang mawala na ako sa mundo. At least nakasayaw ko sa huli ‘yung anak ko.”

Ang Huling Sayaw ay kinunan four years ago pa. That time ay wala pang anak si Bugoy, at si Belle ay hindi pa sikat, at hindi pa sila loveteam ni Donny Pangilinan. Natigil lang ang shooting ng pelikula dahil sa pandemic. Kamakailan lang ito natapos. 

Pero sa huling shooting day nito ay hindi na nakasama si Belle dahil sobrang busy na ito ngayon.

May communication pa ba sila ni Belle ngayong sikat na sikat na ito?

Ay wala na po kaming communication ngayon, eh,” malungkot na sabi ni Bugoy.

Anong feeling na ipalalabas na ang Huling Sayaw?

Ngayon po masasabi ko na sobrang saya ako, kasi after 4 years finally, ay maipalalabas na ito. And sabi nga ni Direk, ipinakita niya sa movie na patutunayan niya sa tao na si Bugoy nagbabalik na.

“Sabi naman ni Direk, ‘yung akting ko okey, na maganda ‘yung kinalabasan. So, sobrang exctied po ako na maipalabas na ‘yung movie,” sabi pa ni Bugoy.

Bukod kay Belle, kasabayan din ni Bugoy sa showbiz sina Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat.

Ang mga ito ay pawang mga walang asawa pa. Kaya aktibong-aktibo pa rin sa kani-kanilang careers. May panghihinayang ba sa kanya sa maaga niyang pagkakaroon ng asawa at anak?

At first, sobrang nanghihinayang po ako kasi honestly maraming nawalang projects sa akin at sponsors na natanggal ako.

“Pero ‘yung kina Xyriel sobrang saya ko para sa kanila kasi siguro kanya-kanya naman po kami talaga ng landas ng buhay. Siguro kung para sa kanila ‘yun, para talaga sa kanila ‘yun.

“Eto ‘yung ibinigay ng Diyos sa akin na buhay, para sa akin talaga ito.

“Pero ngayon po, etong point sa buhay ko na ito, parang nawala sa akin ‘yung panghihinayang lalo na noong lumabas ‘yung baby ko. Sabi ko, ‘yung panghihinayang parang napuno ng lahat ng saya mula noong lumabas ‘yung baby ko. 

“Eto ‘yung pinaka-blessing na ibinigay sa akin ni Lord, eto ‘yung kapalit. Sobrang saya ko ngayon sa buhay ko,” aniya pa.

Ang Huling Sayaw ay mapapanood na sa mga sinehan nationwide simula sa September 13, 2023.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …