Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Greta Lee Teo Yoo Past Lives

Past Lives a must watch movie ng TBA Studios

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KILALA ang TBA Studios na mapanakit sa kanilang mga pelikula tulad ng I’m Drunk I Love You, Kung Paano Siya Nawala, Tayo sa Huling Buwan ng Taon at marami pang iba.

Muli, nagbabalik ang TBA Studios para sa isa na namang mapanakit na pelikula, ang Past Lives na palabas na sa kasaluyan sa mga sinehan na pinagbibidahan nina Greta Lee, Teo Yoo, at John Magaro na idinirehe ni Celine Song.

Sabi nga ni Daphne O. Chiu, TBA Studios President at COO, “We are incredibly excited to bring ‘Past Lives’ to the Philippines.

“This film is a hauntingly beautiful masterpiece and we are confident that it will leave a lasting impression on everyone who sees it.”  

Tama ang tinurang ito ni Ms Chiu dahil isa kami sa mapalad na nakapanood ng advance screening nito at na-enjoy namin ang istorya. At hindi namin napigilang magkaroon ng discussion sa mga kasamahang nanood dahil nga sa istorya ng Past Lives na ukol sa magkababata, actually magkaklase, childhood sweetheart na nagkahiwalay, naghanapan, nagkita pero hindi pa rin lubusang nasabi ang totoong nararamdaman.

Masakit naman talaga na mawalay sa isang minamahal lalo’t hindi na pwedeng maisakatuparan na magkasama kayo dahil may mga hadlang na. 

Ang Past Lives ay isang heartrending modern romance na may captivating script at stunning visuals.

Ang pelikulang ito ay pinuri at sinasabing isa sa best films of the year dahil na rin sa magaganda at positibong reviews mula sa mga critic at mga nakapanood na.

Sinasabi ring ang Past Lives ang isa sa best romantic dramas in recent memory. Nabigyan nga ito ng Rotten Tomatoes ng approval rating na 98% base sa may 200 reviews at audience score na 94%.

Ang Past Lives at exclusively distributed sa Pilipinas ng TBA Studios. Ito ang third acquisition and distribution partnership ng TBA Studios at A24 kasunod ng tagumpay ng Philippine release ng multi-awardee film na Everything Everywhere All At Once at The Whale.

A must watch movie ang Past Lives dahil maganda ang istorya at nakaaaliw.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …