Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bugoy Carino Belle Mariano Huling Sayaw

Bugoy babawi sa Huling Sayaw, na-miss ang pagsayaw at pag-arte

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

AMINADO si Bugoy Carino na may panghihinayang siya sa nangyari sa kanyang career noon. Pero at the same time, masaya siya dahil sa naging bunga ng pag-iwan niya sa showbiz, ang kanyang anak.

Kaya naman sa muling pagbabalik ni Bugoy sa pamamagitan ng pelikulang Huling Sayaw ng Camerrol Entertainment Productions, kapareha si Belle Mariano humihiling siyang muling mabigyang pagkakataon na maipakita ang talento sa pag-arte at mabigyang pagkakataon na magtuloy-tuloy ang career.

Super proud si Bugoy sa kanilang pelikula na idinirehe ni Errol Ropero lalo’t muli niyang maipakikita ang talento sa pag-arte at paghataw sa dance floor. Ukol kasi sa lalaking nangangarap maging isang sikat na dancer ang istorya ng Huling Sayaw kaya naman masaya si Bugoy na muli siyang makasasayaw at makaaarte sa pelikula.

Natanong namin si Bugoy kung umpisa na ba ang Huling Sayaw ng pagiging aktibo niyang muli sa showbiz? Ang sagot niya, sana’y magtuloy-tuloy na ang pagbabalik ng kanyang career sa showbiz dahil super na-miss na rin niya ang pagiging aktor at dancer.

Bago nawala noon si Bugoy isa siya sa promising youngstars ng ABS-CBN na nagsimula sa Goin’ Bulilit na kasabayan sinaBelle, Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat at iba pa.

At ngayong magaganda na ang career nina Belle, Zaijian, at Xyriel masaya siya sa mga ito. At hindi naman niya inalis na may kaunting panghihinayang siya dahil pinairal ang kapusukan na nakabuntis noong 16 years old pa lang siya.

Pero nawala ang panghihinayang niyang iyon nang masilayan ang kanilang anak na si Scarlet na bibang-biba at nagmana sa kanya na mahusay ding magsayaw.

Noonh time na iyon, iyon iyong peak ng career ko tapos nawala. Sobrang panghihinayang po. Sabi ko nga, siguro kaya ito ibinibigay sa akin ni Lord kasi kaya ko itong pagdaanan,” ani Bugoy.

Maraming  opportunities ang nawala, “Totoo naman po kasi nagkaisyu po noon na nakabuntis ako. Maraming na-reject na project.

“Maraming natanggal, mga natanggal na raket na iyong career ko naging bad. Pero ngayon naman po, bumabawi tayo,” anito pa.

Malaking tulong din po na naging miyembro ako ng Hashtags, so roon po nabuo iyong samahan namin nina Kuya Zeus (Collins), Kuya Nikko (Nativida) at iyong iba pa po,” sabi pa ni Bugoy.

Kasama nina Bugoy at Belle sa Huling Sayaw sina Rob Sy, Ramon Christopher, Christian Vasquez, Emilio Garcia, Jeffrey Santos, Jao Mapa, Mark Herras, Zeus Collins, at Mickey Ferriols. Mapapanood na ito sa September 13 produced and directed by Errol Ropero, with Executive Producers Ronald Allan Guinto, Michael Endaya, Hon. Melvin Vergara Vidal and Hon. Amado Carlos Bolilia IV.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …