I-FLEX
ni Jun Nardo
BINAWI ng baguhang aktor na si Rob Gomez ang unang binitawang pahayag sa Fast Talk ni Boy Abunda na single siya.
Umalma kasi ang dating beauty queen na partner niya lalo na’t mayroon na silang anak. Naungkat tuloy ang pagiging biktima ng domestic violence ng beauty queen.
Nitong nakaraang mga araw, nagbago ang ihip ng hangin para kay Rob. Hindi na raw siya single at mahal na mahal niya ang kanyang mag-ina, huh.
Naku, alam na namin ang ganyang mga kuwento ng maraming artista sa tagal na namin sa showbiz! Hindi lang si Rob Gomez ang ganyang nagdedenay ng status sa buhay.