Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gary Lim Long Mejia Bong Cabrera Soliman Cruz

Gary Lim at Long Mejia time out muna sa comedy

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KAHALAGAHAN ng edukasyon at pagmamahal sa bayan ang tinatalakay sa pelikulang The Blind Soldiers ng Empowerment Film Production kaya nakakapanibagong ang mga kilalang komedyanteng tulad nina Gary Limat Long Mejia ay magda-drama kasama sina Bong Cabrera at Soliman Cruz.

Pare-parehong sundalo sina Gary, Long, Bong, at Soliman sa true to life movie na The Blind Soldiers na ukol sa pagsakop ng Japan sa Pilipinas. Kasama sila sa United States Armee Forces in the Fast East o mas kilala bilang USAFFE.

Ani Gary isang mangmang na sundalo ang karakter niya sa pelikulang idinirehe nina Marinette Lusanta at CHED commissioner Ronald Adamat, na introducing at isa rin sa limang bida sa pelikula.

Natanong si Gary kung ano ang mga realization  niya pagkatapos gawin ang The Blind Soldiers? Aniya, “Na-realize ko na importante pa rin na ibahagi ang isang history sa mga tao, para malaman nila kung anong nangyari, ‘yung truth in the past.

“Sa buhay natin, kahit ganito man tayo, kung nasaang antas man tayo sa buhay natin, it’s really a big deal. Na parang ‘yung mga nakaraan natin gamitin natin sa tama at doon natin titimbangin.”

Ang The Blind Soldiers ay isa sa finalists sa Saskatchewan International Film Festival 2023 at ipalalabas ito sa SM Cinemas nationwide sa September.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …