Saturday , November 16 2024
Andrea Brillantes Senior High

Andrea lalo pang gumaling, Senior High teleseryeng mahirap iwanan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SA ganda ng Senior High gusto naming tapusin sa isang upuan ang panonood ng pinakabagong handog na teleserye ng Dreamscape Entertainment para sa Kapamilya dahil halos lahat magagaling.

And for sure kung panonoorin ito araw-araw, tiyak na mabibitin sa bawat episodes at tipong ayaw mong iwanan.

Isa kami sa nagkaroon ng pagkakataon na mapanood ang ilang episodes ng Senior High sa isinagawang advance screening nito sa Trinoma Cinema 7 noong Linggo at talaga namang mapapanganga ka at mapapapalakpak sa ganda ng istorya at husay ng mga bida.

Kaya nga nasabi namin na sana pwedeng tapusin sa isang upuan ang teleseryeng pinagbibidahan ni Andrea Brillantes dahil bukod sa ganda ng istorya mahalaga ang ang mensahe na mapupulot ukol sa mental health.

Ibang-ibang Andrea ang napanood namin noong Linggo. Talagang tumaas pa ang antas ng galing ni Andrea na sinamahan pa ng mga premyado at talaga namang mahuhusay na aktor tulad nina Sylvia Sanchez, Angel Aquino, Mon Confiado, at Baron Geisler.

Kahit ang mga batang aktor na sina Kyle Echarri, Juan Karlos, Elijah Canlas, Zaijian Jaranilla, at Xyriel Manabat, ay hindi nagpahuli sa mga senior star na kasama nila sa bagong Kapamilya teleseryeng Senior High na napapanood na simula kahapon, Lunes (Agosto 28) ng 9:30 p.m.. 

Isang mystery-thriller series na bibigyang diin ang ilang mga pagsubok na pinagdaraanan ng mga kabataan ngayon tulad ng suicide, mental health, bullying, at peer pressure lalong-lalo na sa eskuwelahan ang tatalakayij sa teleserye.

We tackle sensitive topics. I really don’t wanna romanticize drugs, mental health, etc. I want to make this different and magkaroon talaga ng impact and makatulong talaga kami sa ibang tao na we need to take responsibility for our own life,” sabi ni Andrea.

Nagsimula ang kuwento ng Senior High sa kambal na sina Luna at Sky (Andrea). Ibang-iba ang kanilang personalidad dahil si Luna ay matalino at pabibo, habang si Sky naman ay may hinanakit sa kanilang nanay na si Tanya (Angel) dahil ang lola niya ang nagpalaki sa kanya ng mag-isa. 

Mag-iiba ang buhay ni Sky nang mag-enrol din siya sa eskuwelahan nina Luna, ang prestihiyosong Northford High. Dito niya makikilala ang iba’t ibang grupo ng mga estudyante at isa na rito ang grupo ng mga mayamang bully na magkapatid na sina Archie (Elijah) at Z (Daniela Stranner), ang boyfriend ni Z na si Gino (Juan Karlos), at isa pa nilang kaibigang si Poch (Miggy Jimenez). 

Sa kabilang banda naman ay ang tila mababait na mga estudyante pero may kanya-kanyang lihim din palang itinatago. Nariyan ang misteryosong si Obet (Kyle) at ang mag-jowang sina Tim (Zaijian) at Roxy (Xyriel). 

Mayayanig ang kanilang mundo nang ma-dead on the spot si Luna matapos mahulog sa isang balcony. Ipalalabas nilang suicide ang nangyari, pero malakas ang kutob ni Sky na may tumulak sa kanyang kapatid kaya gagawin niya ang lahat para lumabas ang katotohanan. 

Suicide ba talaga ang nangyari kay Luna? Ano-ano ang mga kababalaghan at sikreto ng mga estudyante? Dito na lalabas ang mga kung ano-anong kaguluhan at mga itinatagong sikreto ng mga bida sa teleserye.

Bukod sa mga aktor nais naming palakpakan ang mga direktor ng Senior High na sina Onat Diaz at Andoy Ranay, ang mga direktor ng patok na revenge series na Dirty Linen dahil muli, napakagaling ng kanilang pagkakadirehe.

Ang Senior High ay handog ng ABS-CBN Entertainment at iWantTFC ang isang Dreamscape Entertainment production, na tampok din sina Tommy Alejandrino, Gela Atayde, Baron Geisler, Mon Confiado, Sylvia Sanchez, Desiree Del Valle, Kean Cipriano, Ana Abad Santos, Gerald Madrid, Inka Magnaye, Angeli Bayani, Ryan Eigenmann, Rans Rifol, Rap Robes, Kakki Teodoro, at Floyd Tena. Mapapanood na ang Senior High simula Agosto 28, Lunes hanggang Biyernes, ng 9:30 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC.

Tiyak isa na naman itong teleserye ng ABS-CBN na tututukan namin. Iba talaga gunawa ang Dreamscape. Wish lang namin sana ipinalalabas din ito sa Netflix.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …