SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
INAMIN ni Kathryn Bernardo na nalungkot siya na may lumabas na video na makikitang may hawak siyang vape.
“Well, sad ako na may video about it kasi parang na ano ‘yung privacy ko. But then, it happens,” panimula nito nang matanong matapos ang Grand Mediacon ng pelikula nila ni Dolly de Leon, ang A Very Good Girl na handog ng Star Cinema.
“Okay lang. Nangyari na eh. Hindi naman idine-define niyon ang pagkatao ko. It won’t make me less of a person. So I guess. Depende na lang ‘yun sa mga tao.
“Sana it won’t happen again kasi kailangan din namin sometimes ‘yung privacy and personal space namin,” giit ni Kathryn.
Aminado naman si Kathryn na hindi rin siya perfect. Katunayan, katulad din siya ng iba na nagagalit, napipikon.
“Growing up, hanggang ngayon, aware ako na maraming nakatingin sa ‘yo. You have to be good. You have to do this and that. Kasi especially ‘yung mga bata, na gagayahin kung ano ‘yung makita sa ‘yo,” sabi pa ng girlfriend ni Daniel Padilla.
“But then, always every time na may presscon and they ask me this, I always answer na, hindi porke artista ano ha perfect. Hindi porke sinabi na role model, wala kaming imperfections and we can’t commit mistakes and we can’t learn from our mistakes. That’s what I keep on telling them.
“Yes, pwedeng may ina-idolize ka. Parang ako, may iniidolo ako but then, bakit ko siya iniidolo? Because I see myself in her. Maybe because nakikita ko na tao rin siya, na nasaktan siya, nagkakamali siya. Napapagod siya. Nagagalit siya and that’s okay,” giit pa ni Kath.
Idinagdag pa ng Box Office Queen na, “Siguro wala masyadong pressure sa akin because you know, the fans, I always tell din na huwag n’yo ko i-idol dahil perfect ako. Hindi talaga, promise.”
Samantala, sa A Very Good Girl medyo “dark” at kontrobersiyal ang role niya bilang si Philomena Angeles o Philo.
Anang aktres, ibang-iba ang role niya sa pelikulang ito kompara sa lahat ng ginawa niyang.
“Bago siya sa akin, but in a way, siguro ‘yun ‘yung reason bakit ako may small circle of friends and my family because at the end of the day, ipinapa-enjoy nila sa akin ‘yung life in general. Na yes I work hard but you know, I need to enjoy my life, too,” anang dalaga.
Sa kabilang banda hands nang manggulat at magpamangha sa publiko sina Asia’s Box Office Superstar Kathryn at BAFTA at Golden Globe nominee Dolly para sa kanilang papel bilang Philo at Mother Molly sa 30th anniversary kick-off film ng Star Cinema na A Very Good Girl na mapapanood sa mga sinehan sa buong bansa simula Setyembre 27.
Umiikot ang kuwento ng A Very Good Girl sa buhay ni Philomena (Kathryn) na gustong wasakin ang kapwa socialite at business tycoon na si Mother Molly Suzara (Dolly). Sa pagpasok ni Philo sa marangya, pero misteryosong buhay ni Mother Molly, magiging komplikado ang planong paghihiganti.
Magsisilbing theatrical comeback ni Kathryn ang A Very Good Girl sa 2019 box office hit na Hello, Love, Goodbye, habang ito naman ang unang lead role at unang ABS-CBN film ng internationally-acclaimed actor na si Dolly.
Bukod kina Kathryn at Dolly, tampok din sa pelikula sina Chie Filomeno, Jake Ejercito, Gillian Vicencio, Kaori Oinuma, Ana Abad Santos, Nour Hooshmand, Donna Cariaga, Althea Ruedas, Nathania Guerrero, at Angel Aquino.