Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
JC Santos Bela Padilla

JC at Bela nagpa-iyak, nanakit

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

EPEKTIB at hindi talaga maikakaila ang chemistru nina JC Santos at Bela Padilla. Kaya naman kapag nagsama sila sure hit ang ganda ng pelikula.

Ito ang nangyari sa muling pagbabalik-sinehan ng blockbuster na tambalan nina Bela at JC ngayong Agosto.

Ang balik-tambalan nila ay muling matutunghayan sa Wish You Were The One na ikalimang pelikula na pala nila together.

Kaya naman nang maglabas noong June 22 si JC ng ilang behind the scenes pictures nila ni Bela sa kanyang Instagram, bumuhos ang mga nakatutuwang komento, tulad ng, “Ready na akong masaktan uit”, “Pag etong talagang dalawa na to nag-team up panigurado ilyak na naman ako, ” “Handa na po ang tissue, just in case”, “Lahat ng movie nila pinanood natin. We shouldn’t skip this one”, at marami pang iba.

At siya naman ang nangyari dahil sa katatapos na media and influencers screening nito na ginanap sa Viva Cafe, marami ang naiyak at nagandahan sa pelikula.

Para ngang maihahalintulad ito sa mga pelikulang pinagsamahan na nina JC At Bela tulad ng 100 Tula Para Kay Stella (2017), The Day After Valentine’s (2018), On Vodka, Beers, and Regrets (2020) at 366 (2022).

SaWish You Were The One gumaganap si Bela bilang si Astrud, isang senior advisor sa curtain store. Nagmula sa mahirap na pamilya, kaya natutong maging madiskarte, praktikal, at laging may inaabot na pangarap. Gusto niyang magkabalikan sila ng dating nobyo na si Jordan (Kean Cipriano).

Si JC naman si Ellis, isang landscaper. Tahimik at hindi gaanong cool, pero sa kabila nito, may nobya siyang maganda, sikat, at itinuturing na prinsesa sa mga party, si Zoe (Franki Russel).

Nagtagpo sina Astrud at Ellis sa panahong kailangan nila ng kapareha sa isang kasal. Imbitado sina Ellis at Zoe sa kasal ng kanilang kaibigan, pero break na ang dalawa. Nag-aalangang pumunta si Ellis dahil alam niyang gumagawa ng paraan ang kanilang mga kaibigan para magkabalikan sila ni Zoe. Nagsinungaling siya na ikakasal na rin siya, at dito nga papasok si Astrud.

Si Ellis ang paraan ni Astrud para makapasok sa kasal na chef si Jordan. Sa kanilang pagpapanggap, napagtanto nina Astrud at Ellis na itinadhana talaga silang magtagpo. Ramdam din nila na may chemistry sila.

Ang Wish You Were The One ay mula sa panulat ni Enrico Santos at ito rin ang unang romantic movie na idinirehe ni Derick Cabrido na kilala sa kanyang mga project gaya ng Clarita, U-Turn, at Deadly Love.

Bukod kina JC at Bela kasama rin sa pelikula sina Kaladkaren, Romnick Sarmienta, Andrea Babierra, atAndrew Muhlach.

Mapapanood na ang Wish You Were The One sa mga sinehan sa August 23,

2023. Mula sa Viva Films, Manila Entertainment, Studio Viva at Clever Minds, Inc.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …